in

Buboy Villar naging emosyonal sa pag-uwi ng panganay niyang anak sa mommy nito sa America

Labis na nalungkot ang Kapuso actor na si Buboy Villar sa pag-alis ng kanyang panganay papuntang America.

Bilang isang ama ay hindi madalai para kay Buboy ang mawalay sa kanyang mga anak. Kaya naman hindi niya napigilang maging emosyonal dahil malalayo ang kanyang panganay.

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Buboy na hindi ordinaryo ang content niyang iyon. At hindi rin umano ordinaryong araw para sa kanya.

Sa simula ng kanyang video, nagpasalamat si Buboy sa mga opportunity na dumadating sa kanya. Masaya siya na marami siyang trabaho at natutustusan niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Ayon pa kay Buboy ay espesyal ang vlog niya na iyon at pati na din ang araw na iyon para sa kanya.

Habang nagba-bonding silang mag-ama ay bigla na lamang tumulo ang luha ni Buboy. Ng sinasabi na niya sa kanyang anak na pupunta na ito sa America.

Saad nga ni Buboy ayaw niyang ipakita sa kanyang napakagandang anak na naiiyak siya. Napakahirap daw kasi bilang tatay na malalayo sa kanya ang mga bata.

Pero naiintindihan naman daw niya iyon dahil para naman daw sa future ng mga anak niya ang pagpunta nito sa ibang bansa. At para makasama na din ang kanilang ina na si Angielyn Gorens.

Pinasalamatan naman ni Buboy ang mga magulang ni Angielyn at mga kapatid nito sa pag-aasikaso sa kanyang mga anak.

Maraming netizens naman ang naluha din sa video na ito ni Buboy. Ramdam umano nila ang kalunkutan ng aktor dahil mawawalay ng matagal na panahon ang kanyang anak.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang video:

Direk Bobet Vidanes ipinagmalaking TRUE friends umano sila nina Billy Crawford at Kim Atienza

Heaven Peralejo pinaglaban sa netizens ang kanyang birthday post caption na “22 rotations around the sun” sa kanyang Instagram live