in

Buboy Villar hinangaan ng marami dahil sa pagiging ulirang ama kahit hiwalay na sa foreigner na girlfriend

Nakatanggap ng maraming papuri ang aktor na si Buboy Villar dahil sa pagiging ulirang ama kahit single dad na siya.

Si Buboy Villar ay isa sa mga kilalang dating child star noon sa Philippine showbiz industry. Una siyang nakilala noong siya ay mag-audition sa Little Big Star. Simula noon ay nagtuloy tuloy ang kaniyang career sa showbiz.

Hindi maipagkakaila na isa siya sa mga mahuhusay na artista sa mundo ng showbiz. Gayunpaman, bukod sa pagiging isang magaling na aktor, hinahangaan din si Buboy dahil sa pagiging mabuti at mapagmahal nitong ama sa kaniyang dalawang anak.

Kahit pa man naging ama sa murang edad, sinisigurado pa din ni Buboy na masuportahan at matugunan.

Ang mga pangangailangan ng kaniyang dalawang anak.

Maliban nga sa kaniyang pag-aartista, pinasok na din ni Buboy ang mundo ng pagiging YouTube vlogger.

Siya ay mayroon ding negosyo, ito ay ang kaniyang paresan na tinawag niyang ‘Paresan ni Bok.’

Inamin ni Buboy na malaking tulong ang kinikita niya sa kaniyang paresan dahil dito siya nakakakuha ng pandagdag suporta sa pangangailangan ng kaniyang mga anak.

Dahil sa pagiging batang ama, mas maraming nadiskubre si Buboy sa kaniyang sarili. Aniya, kung hindi siya naging isang ama sa maagang edad, hindi siguro niya alam kung saan siya pupulutin ngayon.

Pag-amin din ng aktor, ayaw niyang maranasan ng kaniyang mga anak ang kaniyang naranasan kung saan hindi siya naging malapit sa kaniyang ama.

Kaya naman, sinisigurado din ni Buboy na masuportahan at matugunan ang mga pangangailangan ng kaniyang dalawang anak.

Lahat ay gagawin diumano ni Buboy upang maitaguyod ang kanyang mga supling.

“You will always be my favorite “SAWSAWERO” Amy Perez inalala ang namaalam na kaibigan na si Hans Mortel

Walong magkakapatid na iniwan na ng mga magulang, niregaluhan ng bahay at lupa ni Idol Raffy Tulfo