in

Bonggang venue sa first birthday ng bunso nina Isabel Oli at John Prats sa garahe pala nila ginawa

 

Ipinagdiwang ng celebrity couple na sina John Prats at Isabel Oli ang first birthday ng kanilang bunso kamakailan.

 

 

Ibinahagi ng aktor at direktor na ngayon na si John Prats ang masayang celebration ng first birthday ni baby Forest.

 

 

Sa kanyang Instagram ay pinasalamatan ni Pratty ang mga tumulong sa kanila upang maidaos ng maayos ito.

 

 

Sa kanyang caption ay napag-alaman na sa garahe lang pala nila ang ginawang venue.

 

 

Ngunit hindi ito mapapansin dahil kung titignan ay aakalain sa isang five star hotel ginanap ang handaan.

 

 

“Thank you @teddymanuel for this wonderful set up para sa 1st birthday ng bunso ko. Mahal na mahal ka namin ni Liv. From our wedding to concerts and now mga events ng mga anak ko. Salamat ng marami.

 

 

P.S. Garahe po namin to… ganun kalupit ang Team @teddymanuel,” saad ni Pratty sa kanyang caption.

Sa sumunod niyang post ay ibinahagi naman ni John Prats ang ilang litratong kuha sa nasabing selebrasyon.

 

 

Makikitang nakasuot ang kanilang buong pamilya ng kulay yellow, at teddy bear ang party theme.

 

Sa kanyang post naman para sa pagbati sa kanyang bunsong anak saad ni John Prats, “Blessed 1st birthday my bunso. Sobrang saya ng puso ko at kasama ko kayo ngayong kaarawan mo. Maraming salamat sa ‘yo @forestprats sa ligayang dala mo sa aming lahat. Lagi lang kami andito ng mama mo para sa inyo. I love you anak!”

 

Andi Eigenmann naging emosyonal sa kauna-unahang birthday party niya sa Siargao

Bea Alonzo at Dominic Roque magkasamang dumalo sa baby shower ni Beth Tamayo sa US