in

Bonding ng mag-inang Pauleen Luna at Baby Tali Sotto habang naliligo sa ulan kinagiliwan ng mga netizens

Muling kinatuwaan ang bonding moments ng mag-inang sina Pauleen Luna at Baby Tali Sotto.

Ngiti ang dulot sa mga netizen ng isang post na ibinahagi ng aktres na si Pauleen Luna-Sotto sa social media.

Kung saan makikita ang bonding nila ng kanyang unica hija.

Sa video at litratong ibinahagi ni Pauleen sa kanyang social media accounts, makikita na masayang silang naglaro sa ulan ni Baby Tali.

Maraming netizens naman ang kinagiliwan ang bonding moment na ito ng mag-ina.

Marami pa nga ang nakapansin na tila mas nag-enjoy pa nga daw si Pauleen kesa kay baby Tali.

Makikita din sa video na tila amaze na amaze si Baby Tali sa ulan.

Binuksan pa niya ang kanyang bibig upang tila tikman kung ano nga ba ang lasa ng tubig ulan.

Saad ng ilang netizens ay nakakatuwa daw na makitang kahit sa simpleng bagay lang ay tuwang tuwa na ang mag-ina.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“One of the best childhood memory ang maligo sa ulan.”

“its good n experience ni tali ung maligo s ulan…”

“Every child should experience playing in the rain. I’m glad Tali experienced it.”

“So sweet naman, ang saya niyo mg ina”

“This is priceless. Tali will treasure this … mommy and her playing in the rain” 

“Parang mas enjoy pa si Pauleen kesa kay Tali haha”

Samantala, ang ibang celebrity friends naman ni Pauleen ay napansin ang kanyang kaseksihan.

Tulad na lamang nina Camille Prats at Pia Wurtzbach na nagsabing fit na fit na daw ang tiyan ni Pauleen.

Karamihan sa komento ng netizens ay nagpapahayag ng kanilang saya na makitang magkasama at puno ng pagmamahalan ang pamilya nina Vic at Pauleen.

Litrato ng lambingang nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada sa Boracay viral ngayon sa social media

Silipin ang pinaka engrandeng kasalan ng ilang kilalang celebrity sa Pilipinas