in

Birthday Photoshoot Ni Camille Trinidad, Bongga Sa Mga Netizens!

Sinurpresa ni Camille Trinidad ang kanilang mga fans!

Matapos ang ilang sunod-sunod na kontrobersiya laban sa kanila ng kanyang nobyo na si Jayzam Manabat.

Nabalot man ng negatibo ang last few weeks ng female vlogger, ay hindi pa din ito papadala sa mga issu€.

Sa katunayan, nagkaroon pa ng birthday photoshoot si Camille na talaga nga namang nagpamangha muli sa kanyang fans.

Ngayong araw, May 07, nagdiriwang ng kaarawan si Camille kaya naman hindi din magkanda ugaga ang kanyang mga fans na batiin siya.

Nagkaroon siya ng photoshoot kasama ang celebrity photographer na si BJ Pascual.

Sa Instagram, proud na naka upload ang picture ni Camille sa account ng photographer.

Syempre and star of the night at ang birthday celebrant ay hindi din papahuli. Proud na inupload ni Camille ang kanyang bonggang picture.

Nakasuot ng black floral dress ang dalaga. Lalo pang pinaganda ito ng net stockings at heels.

Marami naman sa mga netizens ang pinuri ang kagandagan ng female vlogger. Lalo na ang kanilang mga fans na tinatawag nilang “Mandirigma.”

Sa comment section, bumuhos ang maligayang pag bati para kay Camille kasama na din ang pag puri sa kanyang pang malakasan na birthday photoshoot.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Luh bHie grabe naman yornn. Habertdii!!”

“Ganda ng birthday girl”

“Happy birthday nay!! Ang ganda mo!!”

“Grabe yarrn!! HBD nay Camille!”

“Pasabog ang ate mo gerl”

“Gandaaa.. pwede na pang mowdel!!!”

Sam Pinto At Anthony Semerad, Pinagbubuntis Na Ang Kanilang Unang Anak!

Julia Barretto tinulungan si Gerald Anderson sa pag repack ng mga relief goods