in

Billy Crawford proud na ibinida ang sakripisyo ng asawang si Coleen Garcia at ang pagiging hands-on mommy nito

Proud na proud at sobra ang pasasalamat ni Billy Crawford para sa kaniyang misis na si Coleen Garcia.

Sa kaniyang Instagram post kamakaialan, ibinahagi ni Billy ang larawan ng kaniyang mag-ina.

Makikita sa nasabing larawan na nakatulog na si Coleen while breastfeeding their Baby Amari.

Kaya naman isang appreciation post ang ibinahagi ni Billy, aniya sa caption, “Y’all don’t know how much this woman gives! I want Amari to see this when he grows up and realize how much mommy sacrificed for him. We both thank you mommy for being a wonderful mom and the best wife to a pasaway husband!”

Aniya, nais niyang malaman ng anak nilang si Amari ang laki ng sakripisyo ng kaniyang mommy Coleen kapag lumaki na ito.

Samantala, kitang kita sa litrato ang kagandahan ni Coleen kahit nakatulog na ito sa pagod.
Umani naman agad ng samu’t-saring reaksyon ang post na ito ni Billy mula sa mga kaibigan nila sa industriya at mga netizens.

“kaya kelangan natin bumawi everyday, forever,” komento ni Chito Miranda.

“Awww so Precious, Billy !! All Breastfeeding Moms like me can relate!! ( well 16 and 11 years ago pa ang ganyang moments ko of course! Ahhahaha) bravo, @coleen !!” saad naman ni Christine Babao.

I have the same kind of photo of Cheska. Our wives are strong!” say naman ni Guji Lorenzana.

Maraming netizens din ang naka-relate sa post ni Billy at mas lalo din umano nilang na-appreciate ang kanilang mga asawa at ina.

Tunay naman talaga na ang mga asawa at ina ang siyang pinakamalaki ang sakripisyo para sa kanilang pamilya.

Sang-ayon ka ba dito?

Para makatipid, Cassy Legaspi nanghihiram lang ng bag sa kaniyang mommy Carmina

Mag-asawang sina Makisig Morales at Nicole Joson ibinida ang pambansang kasuotan ng Pilipinas