in

Bikini photos ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo, agaw atensyon ngayon sa social media

Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ni Heaven Peralejo ang kanyang bikini bods.

Nitong mga nagdaang buwan ay naging hot topic online ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo.

Ito ay dahil sa naging relasyon nila ng dati niyang co-actor na si Kiko Estrada. Pinutakte sila ng maraming netizens ng aminin nila sa publiko ang kanilang pag-iibigan.

Si Heaven kasi ang itnuturong dahilan ng hiwalayan noon nina Kiko at dating nobyang si Devon Seron.

Ngunit ilang linggo lang ang lumipas ay umugong ang balita na naghiwalay din agad sina Heaven at Kiko. Matapos nilang mag-unfollow sa isa’t-isa sa kani-kanilang social media accounts.

Sa ngayon tila ine-enjoy ni Heaven ang kanyang single life muli. Ibinahagi nga niya ang masayang bakasyon niya sa The Farm at San Benito sa Batanggas.

Pinainit pa nga ni Heaven ang online world dahil sa ibinahagi niyang bikini photos na first time niyang ginawa.

Sa una niyang post ay naksuot ang aktres ng black bikini habang may hawak na wine glass na may caption na ,loving life”

Sa sumunod naman niyang post ay makikitang enjoy na enjoy ang dalaga sa pagbabababad niya sa pool. Aniya, “really enjoyed the pressure pool experience here at @thefarmatsanbenito”

Sa huli naman niyang post ay makikita ang ganda ng kurba ng katawan ng aktres suot ang red one-piece bikini. Nakasuot din siya ng black shades.

Saad niya sa kanyang caption, “I can sea clearly now”

Maraming netizens naman ang humanga sa kaseksihan ni Heaven. Ngunit hindi pa rin nawawala ng mga bashers.

Heart Evangelista hindi na nakapagtimpi, sinagot din ng pabalang ang netizen na tinawag siyang ‘baog’

Paulo Avelino to the rescue, ipinagtanggol ang kaibigang si Jake Cuenca sa insidenteng kinakaharap nito