in

Beteranang aktres na si Maritoni Fernandez ipinasilip ang magarbong beach house niya sa Bataan

Napahanga ang marami sa pagbabahagi ni Maritoni Fernandez nang pinaka bago niyang property.

“Deeply grateful” ang beteranang aktres sa bagong biyayang kanyang natanggap.

Di naman kaila sa publiko na isa si Maritoni na maituturing na legend na sa industriya ng showbiz.

Maraming proyekto na din ang kanyang kinabilangan.

At karamihan nga dito ay kasama niya ang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr.

Sa kasalukuyan ay isang negosyante si Maritoni at may ari siya ng Herb-All Organic Trading.

Ang mga produkto ng kanyang kumpanya ay mga food supplements katulad na lang ng Barley.

Mayroon din siyang ibang business gaya ng flower service na Bella Regalo at Just Desserts.

At sa pinakabagong property na ibinahagi ni Maritoni ay mas lalo siyang hinangaan ng marami.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ng aktres ang litrato ng kayang beach house sa Bataan.

Ayon sa kanyang post ay under construction pa raw ito pero malapit na ding matapos.

Laking pasasalamat din ni Maritoni sa Panginoon para sa biyayang kanyang natanggap.

Base sa mga litrato ay napakagarbo at napakalawak ng beachfront property niya.

“My treasures from the Lord. I am beyond blessed. Thank you thank you thanks Jesus! What a beautiful day, with my favorite,” saad ng aktres sa kanyang caption.

Sa kasunod na post saad naman ng aktres, “Slowly but surely! Thank you Jesus.”

May 1, 2019 nagsimula ang konstruksyon ng kanyang beach house.

“…and the fun begins!” Pagbabahagi niya sa Instagram kalakip ang mga hastag na “#soexcited #beachhouse #beyondblessed #forthenextgenerations.”

Sa comment section naman ng kanyang post ay umani ng papuri si Maritoni.

May ilan pang nagsabi na napakaganda ng lugar.

Perfect daw sa pamilyang nais magliwaliw at magrelax kasama ang buong pamilya.

Video ni Robin Padilla na nag-swab test sa sarili inulan ng samu’t-saring komento

Dalawang Philippine Science High School students, pinag-aagawan ng iba’t-ibang international university