in

Bela Padilla inanunsyong sa London na maninirahan, tuluyan na nga bang lilisanin ang showbiz?

Ibinahagi ng aktres na si Bela Padilla na permanente na ang pag-stay niya sa London.

Kaya naman tanong ng kanyang mga fans, tuluyan na nga bang lilisanin ng aktres ang industriya ng showbiz?

Sa kanyang tweet kahapon, November 24, ibinahagi nga ni Bela na tila nagustuhan na niya ang pamamalagi niya sa London.

Aniya, “So, I moved to London a few months ago. And I tried to find my footing first before sharing what it’s really like  now, I’m ready to let you in to my life and tell you more about it!,”

Ayon pa kay Bela, magbabahagi pa siya ng mga karagdagang detalye sa kaniyang paparating na vlog. Kung saan ay sasagutin niya ang lahat ng tanong ng kaniyang followers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

Wala pang sinasabi si Bela kung iiwan na niya ang showbiz pero may pamilya sa UK si Bela.British ang ama ng actress na isa na ring director.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

Swiss naman ang boyfriend niyang si Norman Bay na tila masaya sa naging desisyon ng aktres. Ito ay base sa kanyang comment sa post ng aktres at sinabing. “I’m just happy I get to see a lot more nowadays.”

Jeffrey Tam, ibinahagi ang naganap na insidenteng kinasangkutan nila ni Billy Crawford sa ‘LOL’

Pag-alis sa portrait ni Bea Alonzo sa ABS-CBN hallway ipinost ni Kim Chiu sa kanyang IG Stories