in

Before and after pictures ni Toni Fowler pinagpepyestahan ngayon online, mga netizens pinagkumpara ang kanyang itsura

Viral ngayon sa social media ang mga lumang larawan ng sikat na vlogger na si Toni Fowler.

Pinagkukumpara nga ngayon ng mga netizens ang dating itsura ni Toni sa looks niya ngayon. Matatandaan na katatapos lang ng muling pagpaparetoke ni Toni.

Sumailalim siya sa isang procedure para makamit ang matagal niya nang inaasam na fox eye. Nagpalagay din siya ng lip fillers para ma-achieve ang bratz look.

At sa patuloy nga na pagpapaayos ni Toni sa kanyang itsura. May ilang netizens ang tila nanghinayang sa anila’y ganda ni Toni noon.

Sa post nga niya kamakailan may isang fan niya ang nangahas na punahin ang itsura niya ngayon.

Sinabi nitong hindi maganda ang kinalabasan ng retoke kay Toni at mas maganda pa daw ito noong wala pa itong pinapabago sa kanyang mukha.

Kaagad naman itong sinagot ni Toni at sinabing kung talagang tunay itong fan ay dapat suportado at masaya ito para sa kanya.

Saad ni Toni, “Kung fan ka talaga, alam mong unang una palang hindi ko hinihingi opinyon mo. Pangalawa, suporta ang dapat na ginagawa mo hindi side comment.”

Makatapos naman nito ay ilang netizens na din ang naglabas ng mga dating larawan ni Toni. May isa pa ngang ipinagkumpara ang dating itsura ni Toni sa ngayon.

Ayon pa sa netizen ay nakakapanghinayang talaga amg dating ganda ng kontrobersyal na vlogger.

Marami naman ang pumabor sa post na iyon at nanghinayang din sa natural na ganda noon ni Toni.

Pero mayroon din na dinepensahan ito at sinabing suportahan na lamang si Toni sa kung saan ito sasaya.

Ina ng Thai actress na si Tangmo binabatikos ngayon dahil sa pagtanggap ng 30M baht bilang areglo sa pagkawala ng anak

Pamangkin ni Vice Ganda umalma sa paratang ng netizen na ang tito niya ang kanyang source of income