in

Beauty Gonzales pumirma na ng kontrata sa GMA Network, certified Kapuso na din

Ang dating Kapamilya actress na si Beauty Gonzales, Kapuso na ngayon!

Pumirma na ng kanyang kontrata sa GMA Network si Beauty.

Ito ay ginanap kahapon, June 11, sa isa ng virtual event ng GMA.

Present sa contract signing ni Beauty ay ang mga big boss ng network na sina Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, First Vice President for Drama Redgie A. Magno, Senior Assistant Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy, Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi S. Lara, First Vice President for Alternative Productions Darling Bodegon, at Senior Program Manager Anthony Pastorpide.

Ang beauty queen na si Sophia Senoron ang nag-host sa nasabing virtual event, kung saan naroon din ang manager ni Beauty na si Arnold Vegafria.

Sa kanyang pahayag ay sinabi naman ni Beauty na masaya siya sa naging desisyon niya.

Mahilig daw kasi siya sa mga adventures at alam niya ding maraming magagandang istorya ang GMA para sa kanya.

Kinumpirma naman ni Senior Vice President for Entertainment Lilybeth G. Rasonable na maraming project na naka line-up para kay Beauty.

Nakatakdang bumida ang aktres sa isang romance mini-series na pinamagatang Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette.

Ipinahayag naman ni Beauty ang excitement niya para sa gagawing proyekto.

“Excited na ko for our new project. It’s gonna be with a young man. For a change, mga past characters and love teams are usually older than me. I’m excited to play with this new character sa ‘Loving Miss Bridgette.’ I love the script. I love ‘yung flow ng story. It’s gonna be a new change and change is good.”

Matapos niyang gumanap sa teleseryeng Kadenang Ginto ng ABS-CBN, napanood naman si Beauty sa dalawang programa sa TV5.

Jasmine Curtis isa nga ba sa pinakabagong artista ng Crown Artist Management ni Maja Salvador?

Heart Evangelista binuksan na ang kanyang beach-front resort sa Boracay