in

Bea Alonzo may prangkang sagot sa netizen na nagsabing dapat bumuo na rin siya ng sarili niyang pamilya

Ibinahagi ng Kapuso actress na si Bea Alonzo na hindi siya nagmamadali na magkaroon ng sariling pamilya.

Kamakailan lang ay nagdaos ng Q and A portion si Bea with her fans sa kanyang Instagram. Kung saan sinagot niya ang mga katanungan ng kanyang mga followers.

Isang follower naman ang tahasan na tinanong ang aktres. Tungkol sa hindi pa nito pagkakaroon ng sariling pamilya. Despite of her age.

Tanong nasabing follower, “You’re not getting any younger po, when will you get marry and have kids like Marian Rivera, Anne Curtis, Jennylyn Mercado, etc.?”

Walang kagatol-gatol naman ang naging sagot ni Bea sa katanungang ito. Aniya hindi naman daw siya nagmamadali at gusto niya munang i-enjoy ang mga opportunities na dumarating sa buhay niya.

Saad ni Bea, “May taxi?! Hahahaha. Hindi ako nagmamadali. I’d like to take my time. It’s not a race, after all. I believe we all have our own timeline.”

Agad namang umani ng iba’t-ibang reaksyon ang pahayag na ito ng aktres.

Narito ang ilan sa mga komento:

“sukatan ba ng fulfillment at success ang pagkakaroon ng asawa at mga anak? Kelan kaya mgbabago ang way of thinking ng mga pinoy”

“Pano magpapakasal meron na ba nag aya sakanya? Hahaha”

“Gusto ko ung sagot nya! pak na pak, original at hindi generic answer. Ung tipong hindi mo mababasa sa mga quotes.”

Samantala, sinagot din ni Bea ang tanong na kung ano ang pinakagusto niya sa nobyong si Dominic Roque.

Saad dito ni Bea, “The way he loves me, the way he takes care of me. Sarap pala ng inaalagaan.”

August last year kinumpirma nina Bea at Dominic ang kanilang relasyon sa publiko.

Xian Gaza nag-pm kay Carla Abellana, nais linawin ang isyu na nakabuntis diumano ng iba si Tom Rodriguez

Tom Rodriguez at Carla Abellana, naka follow na ulit sa isa’t-isa sa Instagram