in

Bea Alonzo limang araw nagpalibre kay John Lloyd Cruz sa Dubai!

Ibinahagi ng aktres na si Bea Alonzo ang isa sa pinaka hindi niya malilimutang travel niya.

Sa kanyang latest vlog na pinamagatang “My Top 10 Travel Destinations” ibinahagi ni Bea ang kanyang mga karanasan dito.

Habang nagba-browse at nagmumuni-muni sa kanyang travel pictures ay nagbalik-tanaw siya sa mga napuntahan niyang mga lugar na hinding-hindi niya makakalimutan.

In no particular order, kasama sa listahan niya ang France, Italy, Amsterdam, Japan, Norway, Vienna, Prague, Dubai, Germany, at Denmark.

Ang pinakapaborito daw niya dito ay ang “City of Love” sa Paris,France, “It’s the best,” saad ni Bea.

Ang ikalawang bansang paborito niya ay ang Dubai dahil daw sa mababait na Pinoy na nadoon sa bansa.

At ang hinding-hindi niya makakalimutan ay ang talent fee niya noong nagpunta sila ng Dubai ay ipinambili ng mama niya ng gold.

Para sa kanilang magkakapatid dahil wala pa siyang credit card noon.

Inubos daw ng kanyang ina sa isang araw lang ang talent fee niya noon kaya sa loob ng limang araw ay wala na silang pera.

Buti na lamang daw ay kasama nila noon si John Lloyd Cruz.

Kaya naman sa loob ng limang araw ay nagpapalibre lang sila ng pagkain sa aktor.

Ngunit pagdating naman daw nila ng Manila ay agad naman niyang binayaran ang mga nagastos nito.

“So sa buong five days or one week namin sa Dubai, wala kaming pera. As in sumasama lang kami kay John Lloyd para magpalibre ng meals, ganyan.

“Binayaran naman namin siya pagdating sa Manila, so that’s what happened.”

Ang karanasan naman daw na iyon ay may dulon na malaking aral para sa kanilang mag-ina.

Nag-apply din daw agad siya ng credit card ng makauwi na sila ng bansa.

Panoorin dito ang kanyang video:

Rufa Mae Quinto ibinahagi ang hirap na pinagdaanan ng mamuhay siya sa Amerika

Jodi Sta. Maria gagraduate na matapos makapasa sa tatlong oras na final thesis defense