in

Bea Alonzo ipinasilip ang masayang pag-harvest niya sa kanyang farm sa Zambales

Ibinahagi ni Bea Alonzo ang kauna-unahan niyang pagharvest sa kanyang Beati Firma farm sa Zambales.

Kamakailan lamang ay ipinasilip ni Bea sa publiko ang napakalawak nilang farm sa Zambales. Ito ang isa sa kaniyang mga naging investment mula nang siya ay pumasok sa industriya ng showbiz.

Ipinasilip din niya ang hardin ng kaniyang ina na si Mommy Mary. Kilala din siya bilang Madam M.

Sa “Mary’s Secret Garden” ay makikita ang iba’t-ibang klase ng mga gulay na tanim mismo ng kaniyang ina. Mayroon silang sitaw at talong. Saktong-sakto naman dahil sa kailangan na din nilang anihin ang mga gulay na ito.

Masayang masaya naman ang aktres habang inaani ang mga gulay na tanim ng kaniyang ina. Buong pagmamalaki din niyang ibinahagi na organic lahat ng mga gulay na ito dahil hindi talaga sila gumagamit ng kahit ano mang kemikal sa kanilang farm.

Ang ilan sa mga naharvest ni Bea na gulay sa nasabing garden ay sitaw, talong, mais, at okra.

Nag-uumapaw ang kagalakan sa puso ni Bea habang pinipitas ang sitaw at talong. Batay kay Bea, maraming protina na talagang ang mga gulay at prutas ay malaking kahalagahan sa ating katawan.

Ibinahagi niya din ang paraan ng pag-aalaga nila sa kanilang mga hayop sa Beati Firma Farm kung saan kasalukuyang nakatira ang kanyang ina at amg kapatid niya at pamilya nito.

Samantala, habang aliw na aliw si Bea sa pamimitas ng mga gulay ay siya namang pagbuhos ng ulan kung kaya ay nahinto ang pagha-harvest nito.

Kaya naman ipinakita niya na lang ang family bonding ng kaniyang pamilya na halata ang kasiyahan sa kanilang mga mukha.

Narito ang kabuuan ng kanyang vlog:

Mark Herras at Nicole Donesa ikinasal na through civil wedding ceremony

Ara Mina ilang araw ng natatakam sa manggang hilaw at bagoong, naglilihi na nga ba?