in

Bea Alonzo inaming naging emosyonal sa pagpapaalam sa mga malalapit niyang kaibigan sa Kapamilya network

Ilan sa mga malalapit na kaibigan sa Kapamilya Network ang sinabihan ni Bea Alonzo tungkol sa kanyang paglipat sa Kapuso.

Sa dalawang dekada ni Bea bilang Kapamilya ay doon na din niya nakilala ang mga naging kaibigan niya sa industriya.

At ilan nga dito ang sinabihan niya o pinaalam niya ang balak niyang paglipat ng istasyon.

Sa press conference during her contract signing, ibinahagi ni Bea na hindi niya napigilang maging emosyonal.

Ito ay nang magpaalam siya kina Anne Curtis, Angel Locsin, Angelica Panganiban, at iba pang close friends niya sa Kapamilya.

Naging emosyonal daw siya sa kanilang pag-uusap dahil “they wish her luck” sa new journey ng kanyang career.

Masaya din daw ang mga ito para sa kanya at nakatanggap din siya ng suporta mula sa mga ito.

Ibinahagi din ni Bea na hindi sa paglipat niya ng istasyon matatapos ang kanilang pagkakaibigan.

Aniya nais lamang daw niyang palawakin ang kanyang mundo.

“They know how much I love what I do, and they know that I’ll be chasing my dreams to GMA,” saad pa ni Bea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mm (@teamrealonli)

Samantala, gusto man daw niyang gawin pero hindi ginawa ni Bea Alonzo na ipaalam sa kaniyang madalas na leading man na si John Lloyd Cruz na magiging Kapuso na siya.

Dahil kilala sa pagiging malapit sa isa’t isa, natanong si Bea kung sinabi ba niya sa aktor na lilipat na siya sa GMA.

“To be honest, hindi, because I truly value the confidentiality of the deal. Because siyempre when you’re dealing with a big company such a GMA, parang I trust that they would do that for me also,”

Pero pagkatapos ng pagpirma ng kontrata, nagkausap na ang dalawa.

Reaksyon ni Manny Pacquiao sa boyfriend prank ng kanyang anak na si Mary, kinagiliwan ng netizens

Willie Revillame nagsalita na ukol sa isyung nabuntis diumano niya si Hipon Girl kaya nawala ito sa Wowowin