in

Bea Alonzo emosyonal na nagpaalam at nagpasalamat sa ABS CBN matapos pumirma ng kontrata sa GMA

Hindi napigilan ni Bea Alonzo ang kanyang mga luha sa kanyang latest video.

Nging mainit na usapin ang pagpirma ni Bea Alonzo ng kontrata sa GMA-7.

Ito ay matapos ang dalawang dekada na pananatili niya sa ABS CBN.

Marami ang hindi matanggap na iniwan na ni Bea ang Kapamilya, ngunit may ilan din na naintindihan ang desisyon ng aktres.

Kaya naman sa kanyang latest video, isang emosyonal na Bea Alonzo ang humarap sa kanyang mga fans.

Sa umpisa ng kanyang video, nagbalik tanaw si Bea sa kanyang kabataan. Saad ng aktres, bata pa lamang ay pinangarap na daw niyang maging artista.

Lalo na habang pinapanood niya ang pag-arte ni Judy Ann Santos, pati na rin ang paggaya niya sa pagsayaw ng mga cast sa ANG TV.

Hanggang sa isang araw ay sumali siya sa beauty pageant at doon na siya nadiskubre.

Nag-audition siya sa ABS at hanggang naging parte siya ng Star Magic batch 10.

Kung saan kasama niya sina Dennis Trillo, Alfred Vargas, Nadine Samonte, at marami pang iba.

Nagsimula din muna siya bilang extra sa mga shows ng ABS.

Ngunit ng maitambal siya kay John Lloyd Cruz ay doon na nagsimula ang kanyang pagsikat.

Naging emosyonal naman si Bea ng pinapasalamatan niya ang ABS CBN sa paghubog sa kanya bilang artista.

“I have ABS-CBN to thank for all of the opportunities they have given me,” saad niya.

Sa ABS din daw niya nakilala ang kanyang mga kaibigan na itinuturing niyang magandang nangyari sa kanya.

Samantal sa kanyang Instagram post ay ipinahayag din ni Bea ang lahat ng naging parte sa loob ng 20 years niya sa industriya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Narito ang kanyang video:

Jimmy Santos namundok sa Porac Pampanga at nakipagsayawan sa mga katutubong Aeta

Panganay na anak nina Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz future heartthrob ayon sa mga netizens