in

Bea Alonzo binalikan ang umpisa ng career niya noon bilang isang extra

Binalikan ng Kapuso actress na si Bea Alonzo kung saan siya nagsimula bilang isang artista.

Naging guest si Bea sa podcast ni Nelson Canlas na “Updated With Nelson Canlas.” Dito ay ibinahagi niya ang kanyang humble beginnings.

“It was a rough start for me,” paglalahad ng aktres, aniya pa hindi rin daw naging madali para sa kanya ang makapasok sa showbiz.

Nagsimula daw siya bilang extra at walang linya sa mga eksena, nakikisabay lang din siya noon sa mga service vehicles.

“Nakikisabay lang nga ako sa service sa taping kasi we didn’t have a car, so kahit na isang eksena lang ako kasi. Extra lang ako. Ganiyan hihintayin namin matapos buong taping kasi ‘yong taping sa Antipolo or sa Tanay because we didn’t have a car”

Pagbabalik-tanaw pa ng aktres, “Tapos hindi namin alam kung saan kami kukuha ng taxi. At that time wala namang mga services na…oo, di ba, car services na puwede mong tawagan via app right?

“So, noon wala, so we had to wait. Kung tapos na ako at 4 p.m. pack up na dapat ako maghihintay kami hanggang 5, 6 a.m. para makisabay sa service,” aniya pa.

Bukod dito, wala ring cut-off at mga stylist si Bea kaya sariling sikap lang siya.

Cesar Montano lubos ang kasiyahan nang muling makabonding ang apat niyang anak

Andrea Brillantes nanindigan na hindi niya pinagsabay sina Seth Fedelin at Ricci Rivero