in

Bea Alonzo at Dominic Roque magkasamang dumalo sa baby shower ni Beth Tamayo sa US

 

Kumpirmadong magkasama nga ang rumored couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa Amerika.

 

 

Simula nang lumabas ang balitang magkasama silang bumiyahe papuntang America, naging maugong na ang balita.

 

 

Lalo at napagtagpi-tagpi ng netizens ang tila pagkakapareho sa mga pictures nila sa social media.

 

 

Kaya naman marami ang kinilig nang makitang magkasama sina Bea at Dominic sa isang party sa California.

 

 

Ang nasabing party ay ang baby shower ng dating aktres na si Beth Tamayo.

 

 

Na ipinagbubuntis ang una nitong anak sa asawang si Adam Hutchinson. Matagal na siyang naka-base sa Amerika at doon na rin nagtatrabaho.

 

 

Sa mga hindi nakakaalam, magkamag-anak sina Beth at Dominic kaya hindi nakapagtataka kung bakit present ang aktor sa naganap na baby shower at kasama pa ang kanyang rumored girlfriend.

 

 

Makikita sa Instagram post ng kaibigan ni Beth na si Fanny Zha ang ilang photo na kuha sa event kabilang na nga ang litrato nina Bea at Dominic.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Fanny Zha (@fannyzha)

Makikita ang dalawa sa isang group picture kung saan magkatabi sila. Mayroon ding video kung saan makikita si Dominic na nakikisali sa laro habang si Bea ay nanonood at nakitawa.

 

 

Hindi naman siyempre nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang mga larawan at sa kasalukuyan ay kalat na rin sa social media ang larawan at ang video.

 

Bonggang venue sa first birthday ng bunso nina Isabel Oli at John Prats sa garahe pala nila ginawa

Bagong litrato ng rumored couple na sina Julia Montes at Coco Martin kinakiligan ng maraming netizens