in

Bea Alonzo at Dominic Roque buking na! lantaran na nga ba ang pag-iibigan

Huli Pero Hindi Kulong.

Yan ang sinasabi ng mga netizens ukol sa relasyon nina Dominic Roque at Bea Alonzo.

Nakaraang taon pa lamang ay naging usap-usapan na ang dalawang Kapamilya stars.

Ito ay dahil sa.mga larawan nila na ipinopost sa Instagram.

Puro pahapyaw nga lamang ang ibinabahagi ng dalawa at wala pa ring pagamin na naganap.

Ngunit may kasabihan ngang, “actions speaks louder than words”

Dahil ito ang saktong sakto sa dalawa.

Nabuking nga sa IG stories at TikTok ang mga video na kumokonekta sa dalawa.

Sunod sunod nga ang IG story ni Bea, una ay makikita ang mga activity na ginawa niya.

Tulad na lamang ng pagbibisikleta at pagwe-weights sa kanyang indoor gym.

“Found a new way para pahirapan ko sarili ko” saad niya sa caption.

Kasunod naman nito ay ang “off to dinner” habang makikita ang litrato na nagpapaganda na si Bea.

Sinundan naman ito ng video na nagsasalin si Bea ng wine at nilagyan ng caption na “deserve ko to.”

Puro Japanese food naman ang makikita sa mga sumunod pang IG story ng aktres.

Na tila pinaghandaan talaga ang gabing iyon para sa kanyang special someone.

At ang special someone nga na iyo ay walang iba kundi si Dominic Roque.

Dahil halos parehas lamang ang IG story ng aktor kay Bea.

Kung ano ang mga pagkain na nasa IG story ng aktres ay ganoon din ang nasa post ng aktor.

@roquedominicJap night is date night.❤️ ##fyp

♬ swing lynn – ✮❦lovdfilmz❦✮⋆

Mas lalo pang napatunayan ito sa kanyang pinost na TikTok video.

Kung saan may kahawak kamay ang aktor na babaeng nakasuot ng relo.

At natukoy agad ng mga netizens na ito nga ang suot ni Bea sa kanyang mga post.

Marami naman ang kinilig dito at inaabangan na lang talaga ang pagamin ng dalawa.

Ellen Adarna nag-react sa litrato niyang natutulog na ipinost ng kasintahan niyang si Derek Ramsay

Awra Briguela nagsalita na! Inamin na ikinalungkot niya ang pagkawala niya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’