in

BB Gandanghari may payo para kina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa kinakaharap na kontrobersiya ngayon

Nagbigay ng payo si BB Gandanghari para sa kanyang pamangkin na si Kylie Padilla. At sa estranged husband nitong si Aljur Abrenica.

Sa kanyang live streaming sa Instagram, nakipagkwentuhan si BB sa kanyang mga fans. Naibahagi niya sa kanyang mga followers ang tungkol sa buhay niya sa Amerika.

Samantala, maramin fans niya ang hinigian siya ng pahayag ukol sa kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng kanyang pamangkin na si Kylie. Tungkol sa hiwalayan nito sa mister na si Aljur.

Sinabi ni BB na sa totoo lamang ay hindi siya aware sa kinasasangkutang isyu ng dalawa, at ‘mahirap na umanong mangialam’.

Pero dahil sunud-sunod ang mga tanong tungkol sa kung ano ang masasabi niya sa anak ng kapatid niyang si Robin Padilla, napilitan siyang magbigay ng pahayag lalo na noong nabanggit sa kanya ang umano’y pan’ga’ngal1wa ni Kylie.

“Ang paghihiwalay is not a joke…masakit ‘yan. If there’s one thing, ang masasabi ko, try to keep your dirty linens in the washroom, if you know what I mean…” aniya.

“Kasi may mga anak kayo. I think that’s what you need to think about now, kasi, of course, ‘yun nga may mga bata. ‘Yun lang.”

At bilang tita ni Kylie, binigyan din ni BB ng advice sina Kylie at Aljur para na rin sa kapakanan ng kanilang mga anak.

“Try to keep things in private as much as possible kasi may mga anak kayo unang una, so yun lang. I think what they need to think about now are the children,” saad ni BB.

Panoorin dito ang kanyang IG Live:

Oyo Boy Sotto sinunod ang payo ng amang si Vic Sotto nang ikasal siya kay Kristine Hermosa

Ilang mga celebrities naiyak sa pregnancy journey vlog ni Alex Gonzaga