in

Batikang kolumnista na si Cristy Fermin tinawag na ‘Queen of all Marites’ ng mga netizens

Binigyan ng bagong bansag ng mga netizens ang batikang kolumnista na si Cristy Fermin.

Isa sa mga kinikilalang ‘showbiz authorities’ sa Pilipinas ang showbiz columnist at host na si Cristy Fermin.

Walang kinatatakutan si Cristy pagdating sa pagbibigay niya ng opinyon sa mga viral issues. Na kinakasangkutan ng iba’t-ibang celebrities.

Marami namang mga netizens ang nag-aabang din sa kanyang mga pahayag at mga patutsada. Lagi na rin siyang laman ng social media dahil sa kanyang mga salaysay.

Ayon sa beteranang kolumnista, wala na raw kawala ngayon ang mga artista, hindi na uubra ang mga patago-tago, dahil talagang tinututukan sila ng mga Marites o makabagong tawag sa mga chismosa.

Kaya naman binansagan si Cristy ngayon ng mga netizens na siya daw ang ‘Queen of all Marites’

Ito na rin ay dahil sa mga komento niya sa mga napapanahong issue. Hindi niya pinapalagpas ang mga ito.

Tulad na lamang noong naghiwalay sina Paolo Contis at LJ Reyes. Na ang itinuturong dahilan ay si Yen Santos. Join force sila dito ng kanyang kaibigan at co-host na si Lolit Solis.

Pati na rin ang mga tirada ni Cristy kay Jinkee Pacquiao ay talagang inabangan din ng marami. Ilang araw din na si Jinkee ang naging topic niya sa kanyang programa.

At syempre ang mainit na palitan nila ng pahayag ni Kylie Padilla kaugnay din ng naging hiwalayan nito sa estranged husband na si Aljur Abrenica.

Kinampihan niya pa at pinuri ang nali-link kay Aljur na si AJ Raval.

Ang pinaka latest naman na naging paksa sa kanyang show ay ang pananamit naman ni Nadine Lustre.

At hindi din nagpatinag ang aktres dito at tinawag ngang Marites si Cristy.

Kapatid ni Andi Eigenmann na si Stevie Eigenmann naglabas ng pruweba na nagsorry na ang kapatid kay Albie Casiño

Elisse Joson at McCoy de Leon umamin na sa publiko na may anak na sila, kinuhang ninong si Big Brother