in

Batang aktres na si Francine Diaz ipagpapatuloy ang kanyang pag aaral sa isang International school

Kahit abala sa kanyang mga teleserye, Francine Diaz ipagpapatuloy pa din ang pag-aaral.

Isa si Francine sa mga sikat na artista sa kanyang henerasyon.

Una siyang nakilala bilang si Cassy Mondragon sa seryeng Kadenang Ginto.

At dito ay marami ang humanga sa galing niya sa pag arte at angkin niyang kagandahan.

Kaya naman agad na nabigyan siyang muli ng panibagong proyekto.

At ito nga ay ang teleseryeng “Huwag Kang Mangamba.”

Kung saan kasama niya pa din sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, at Kyle Echarri.

Sila ang tinaguriang The Gold Squad.

At kahit pa nga abala sa kanyang bagong serye at napakaraming endorsement, nais pa din ipagpapatuloy ni Francine ang kanyang pag aaral.

At kamakailan nga lamang ay ibinahagi ng batang aktres na siya ay nakapag-enroll na sa isang International school.

Sa Southville International School Affiliated with Foreign Universities na siya papasok para sa senior high school.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Francine na masaya siya sa bagong yugto na ito sa kanyang edukasyon.

“So happy and honored to be a SISFU-Southville Paladin. Excited to be on this journey as an SHS-ABM Student,” saad ni Francine sa kanyang caption.

Kalakip nito ang mga litrato niyang nakasuot ng uniporme ng nasabing unibersidad.

Si Francine din ang tinaguriang ambassadress ng nasabing institution.

Ayon naman sa Facebook post ng SISFU, dual qualifications ang program na ino-offer nila kaya naman may pagkakataon ang aktres na kumuha ng UK Higher National Certificate with Pearson, ang pinakamalaki umanong education provider sa buong mundo.

Marami namang fans and followers ni Francine ang humanga sa kanyang pagsisikap.

Naging inspirasyon umano nila ang aktres dahil sa pagpupursige nitong makatapos ng kanyang pag-aaral.

 

Gawain ni Andrea Brillantes sa likod ng showbiz, hinangaan ng maraming netizens

Raymart Santiago proud boyfriend, ipinakita ang suporta sa graduation ng nobyang si Jodi Sta Maria