in

Barbie Imperial nakatikim ng sermon kay Teresa Loyzaga dahil sa laging pagtambay nito sa bahay ni Diego

Hindi umano nagustuhan ng ina ni Diego na si Teresa Loyzaga ang pamamalagi ni Barbie Imperial sa bahay ng aktor.

Kumpirmado na nga na hiwalay na sina Diego at Barbie. Ito ay matapos ang isang taon nilang relasyon.

Ayon nga kay Ogie Diaz, isa umano sa naging dahilan ng hiwalayan ay ang pagiging mahigpit ng aktres.

NasakaI umano si Diego sa sobrang pagbabantay sa kanya ni Barbie. Ito ang ibinahagi ni Ogie sa kanyang showbiz update vlog.

Ani Ogie, “Kasi medyo nakakasakaI din daw itong si Barbie Imperial, sabi sa akin ng source ko”

“Na nung si Diego raw ay naririto pa, wala pa sa U.S., eh talaga raw laging nasa bahay ni Diego si Barbie. Binabantayan si Diego.”

Hindi rin daw nagustuhan ng ina ni Diego na si Teresa na laging nasa bahay ng kanyang anak ang aktres.

Nakapagbitaw pa daw ito ng salita kay Barbie na tila nais niya itong pauwiin. Hindi man diretsahan pero sa mga minutawi nito ay ganoon ang nais nitong iparating.

Saad daw ni Teresa ayon kay Ogie, “Iha, wala ka bang ibang gagawin, baka may iba ka pang trabaho… parang gano’n. So in short, parang gusto na siyang pauwiin. Kasi nga nandoon sa…. nakababad sa bahay nila”

Sa ngayon ay nasa US para magbakasyon si Diego. Samantalang si Barbie ay tikom na ang bibig at hindi pa nagrereact sa balitang ibinahagi ni Ogie Diaz.

Si Teresa din ay hindi pa nagbibigay ng kanyang opinyon kung totoo nga ba na nasermonan niya si Barbie.

Narito ang kabuuan ng vlog ni Ogie:

Mausisang Marites napansin na hindi suot ni Carla Abellana ang wedding ring sa latest vlog nito!

Mariel Padilla nasaktan ng kwestyunin ng kanyang childhood friend ang pagpasok ng mister na si Robin sa politika