in

Barbie Imperial kinwestyon ang Big Boss ng Viva kung bakit laging may intimate scene ang nobyong si Deigo Loyzaga

Tila medyo nagseselos na din si Barbie Imperial sa mga intimate scene ng nobyong si Diego Loyzaga.

Sa ginanap na vitual media conference ng upcoming movie nina Diego at Barbie entitled ‘Dulo’. Halos langgamin na sa sobrang ka-sweetan ang magkasintahan.

Gayunpaman, ayon kay Barbie, kahit na sila na ni Diego ang magka-eksena ay aminado siyang nahirapan siya sa mga intimate scenes nila sa pelikula.

Ito kasi ang unang pagkakataon na magkakaroon siya ng all out love scene sa isang project.

Kaya naman natanong ng press people ang magkasintahan kung okay lang ba sa kanila. Kapag gumagawa ang isa sa kanila ng matinding eksena sa mga projects na hindi sila ang magka-partner.

“Siguro hindi naman po ’yung paalam na papayagan o hindi kasi knowing Diego naintindihan naman niya,” lahad ni Barbie. “Lahat naman naiintindihan niya at siguro sasabihin ko sa kanya na, ‘Baby, may ganito o ganyan.’

“Tatanungin ko rin po siya kung kumportable siya kasi ‘yun po ’yung ang ginagawa niya sa akin kapag…” pinutol siya ni Diego sabay yakap sa kanya na ikinatawa niya.

“Ako, ako po dapat ang tanungin,” pag-ako ni Diego.

Pero nagpatuloy si Barbie. “Kasi may mga bed scenes po siya—ang dami…Boss Vic ba’t gano’n? Hahaha!” pabirong tanong ni Barbie sa Big Boss ng Viva.

Ayon naman sa aktres ay okay lang naman daw iyon dahil alam niyang loyal ang kanyang boyfriend. Pabirong tugon pa nga nito, “Okay lang po trabaho lang naman. Saka loyal naman si Diego. Subukan niya lang po. Hahaha!,” sabay halik niya sa noo ng nobyo.

Hindi naman mapigilan ni Diego ang kanyang pagtawa dahil sa tila pagbabanta ng kanyang nobya.

Janella Salvador ipinakilala na bilang gaganap na Valentina sa Darna TV series

YouTube vlogger na si Von Ordoña niregaluhan ng 1 million flower bouquet ang kanyang girlfriend!