in

Barbie Imperial diretsahang nagbitaw ng maaanghang na salita laban kay AJ Raval

‘Kung hindi ka kabit, magsalita ka!’

Isa lang yan sa diretsahang pahayag ni Barbie Imperial para kay AJ Raval.

Video clip o teaser pa lang ng interview ni Boy Abunda kay Barbie ang trending ngayon online. Kung saan matapang na nagbitaw ng maaanghang na salita ang aktres laban sa anak ni Jeric Raval.

Ito ay tungkol sa isyung sinasabi ni Xian Gaza tungkol kay Diego Loyzaga.

Ibinunyag kasi kamakailan ni Xian na dinadalaw umano ni Diego si AJ sa Pampanga. Kahit pa nga kasintahan na nito si Barbie.

Samantala, sa nasabing video clip ay nagbigay na ng kanyang reaksyon si Barbie ukol dito.

“Ahmmm, yung about doon kay AJ Raval, if wala kang kinalaman, or alam mo namang hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka!” matapang at diretsang pahayag ni Barbie.

May pakiramdam umano si Barbie na sa pananahimik ni AJ, parang gusto pa nito ang mga nangyayari.

“Parang for me, parang gusto mo na nangyayari ito lahat? Na nagka-thing kayo ni Diego?”

Nabalitaan din umano ni Barbie na ‘magkaibigan’ sina AJ at ang gumagawa sa kanila ng isyu na si Xian.

“And I heard, I have a proof na… AJ and Xian Gaza are friends and maybe they talk about, feeds him na mga info na mga chismis… so ako, parang sa akin ‘Ohhh… gusto mo pala ‘to, parang ganoon.”

Inamin ni Barbie na magkaibigan sila ni AJ… noon.

“Actually friend ko siya noon. Kaibigan ko siya noon. Ahm, tinanggap namin siya, sobrang binaby namin siya sa grupo namin, kasi nga, ano, ahm, girlfriend siya ng bestfriend ko na si Axel (Torres), so tinanggap namin siya… so nagulat lang ako na ang daming nangyayari, na… okay, gusto mong maging kabit… eh hindi ka nga gusto ng boyfriend ko… so ‘yun,” wika ni Barbie.

Dahil sa kanilang biruan, Ellen Adarna gusto ng hiwalayan ang asawang si Derek Ramsay

Sikat na social media influencer na si Rosmar Tan ikinasal na, nakatanggap ng regalong 1M pesos mula sa kanyang mga magulang