in

Barbie Imperial aminadong hindi marunong sumayaw kaya natanggal sa GirlTrends

Barbie Imperial, inamin ang tunay na dahilan kung bakit siya nawala sa GirlTrends.

Ang GirlTrends ay ang all girls group na binuo at ipinakilala sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime. Isa si Barbie sa mga naging miyembro nito pero kalaunan ay nawala sa grupo.

Matapos ang ilang taon, tila nasagot na ang katanungan ng madlang pipol kung bakit nawala ang aktres sa nasabing all girls group.

Sa naging episode ng It’s Showtime noong January 31, 2022, isa si Barbie sa mga naging hurado ng kanilang segment na Sexy Babe. Kasama niya dito sina Ruffa Gutierrez at RK Bagatsing.

Nang ipinakilala sila ng mga hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, at Ogie Alcasid,  nagkwento si Ruffa habang na sa dressing room daw sila.

Pagbabahagi niya, “Kanina magkasama kami ni Barbie sa dressing room. So syempre, mga bagets bagets. Nandoon lang ako parang tita sa tabi nakikinig kinig lang.”

“Sabi niya, ‘Hay nako, magre-rehearse na ako gusto ko na sumayaw’ excited siya for Saturday!” pagchika ni Ruffa.

Natatawang sagot naman ni Barbie, “Kaya nga po ako natanggal sa GirlTrends kasi hindi ako magaling sumayaw eh.”

Pagbibiro naman ni Vice, wag daw mag-alala si Barbie dahil lahat naman daw ay natanggal.

Juliana Parizcova usap-usapan ngayon dahil sa trending parody niya sa video ni Angelica Panganiban

Barbie Imperial inamin na ang dahilan ng kanilang paghihiwalay nila ni Diego Loyzaga!