in

Barbie Forteza umalma sa kumakalat na balita na hiwalay na diumano sila ni Jak Roberto

Nagbigay na ng kanyang reaksyon ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza. Ukol sa kumakalat na balita na hiwalay na diumano sila ng kanyang kasintahang si Jak Roberto.

Isang Facebook page ang nagpakalat ng pekeng balita na naghiwalay na raw ang magkasintahan

Dahil nakalimutan daw ni Jak ang monthsary nila ng girlfriend.

Makikita sa nasabing pekeng FB page na ginamit pa ang style at itsura ng logo ng Inquirer.net (Einquirur.net ang nakalagay sa post) ang fake news na in-announce na raw ng magkasinthan ang kanilang break-up.

Saad sa nasabing Facebook post ,

“Actress Barbie Forteza states the reason behind her breakup with longtime boyfriend, Jak Roberto, on a statement released this Wednesday evening.”

Saad pa umano dito ni Barbie, “Hindi po tayo dapat pumayag na hindi ibigay saatin yung bare minimum. Simple lang po yung monthsary diba dapat natatandaan, napaka special po kasi nun sakin”

May kalakip pa itong isang artcard na may litrato ni Barbie na nagpapaliwanag kung bakit daw sila naghiwalay ni Jak.

Gamit ang dating viral vlog tungkol sa kanilang exchange gift.

Nang makarating ito sa Kapuso actress, agad niya itong ipinost sa kanyang Twitter account kung saan libu-libo na ang nagkomento, nag-like at nag-share.

Saad ni Barbie kahit halatang fake news umano ang nasabing post ay marami pa ring naniwala dito.

“125 Reactions, 25k Comments & 68k Shares and counting… To whoever made this, you’re welcome,” lahad ng aktres sa kanyang Tweet.

Kapansin-pansin na nagamit ang magkasintahang sina Barbie at Jak para maging viral ang fake news posts na ito.

Madaling mapatunayang mali ang balitang ito dahil noong July 28, nag-upload si Jak ng bagong vlog kasama ang kanyang girlfriend.

Ellen Adarna sinupalpal ang isang netizen na nagsabing “feeling gwapa” umano siya

Babaeng iniwan ng kanyang mapapangasawa, itinuloy pa din ang kaniyang bridal photoshoot