in

Bagong post ni Carla Abellana tungkol sa pag-aalaga sa kanya ng mga kasambahay naging palaisipan na naman sa mga netizens

Kung anu-anong haka-haka na naman ang nabuo ng mga netizens dahil sa panibagong cryptic post ni Carla Abellana.

Hanggang ngayon nga ay usap-usapan pa din ang tungkol sa hiwalayang Carla at Tom Rodriguez. Hindi pa rin kasi naglalabas ng kani-kanilang statement ukol dito ang magkabilang panig.

Kaya naman bawat post ng celebrity couple ay nagiging palaisipan sa mga netizens. Kung may kaugnay nga ba sa balitang hiwalay na sila.

At noong makalawa lang ay nag-post si Carla sa kaniyang Instagram story kung saan pinasalamatan niya ang kaniyang kasambahay.

Ito ay matapos siyang lutuan nito ng mga pagkain. Aniya, “My Kasambahay and her SO have been taking extra good care of me lately… I’m so grateful…”

Sa bandang baba naman ng nasabing post naging makahulugan naman ang iniwang mensahe ni Carla. Saad niya, “P.S. Masarap din pala maalagaan”

Kaya naman iniugnay na naman ng mga Marites ang huling caption na iyon ni Carla sa mister na si Tom.

Mas lalo pa ngang umingay dahil sa kasunod na IG story ng Kapuso actress. Kung saan nasa playlist niya ang kantang “On My Own” nina Jaden at Kid Cudi.

Isa iyon sa OST na ginamit sa eksena sa Spiderman video game, at may lyrics tungkol sa pagiging “strong enough” sa harap ng mga hamon sa buhay.

Kris Aquino pinakiusapan ang kanyang mga supporters na ‘wag munang gumamit ng red heart emojis

Toni Fowler dinala sa ospital ni Tito Vince Flores dahil sa biglaang pagkahilo