in

Bagong pixie haircut ni Sarah Geronimo trending ngayon sa social media, mga netizens kinagiliwan ang kanyang kagandahan

Ginulat ng misis ni Matteo Guidicelli na si Sarah Geronimo ang kanyang mga fans sa kanyang new look.

Sa online concert ng mag-asawang Sarah at Matteo ay namataan ang bagong haircut ng singer-actress.

Ang nasabing concert ay para sa 5th anniversary ng isang membership shopping store na naganap  kagabi, June 27, 2021.

Bukod sa husay nila sa kanilang mga performances, marami ang nagulat sa bagong haircut ni Sarah.

Bagay na bagay kasi kay Mrs. Guidicelli ang kanyang pixie haircut.

May ilan na nagduda na baka wig lamang daw ito tulad ng gamit niya sa mga ginawa niyang pelikula noon.

Pero ilang staff ng nasabing concert ang nagsabing totoong buhok daw ito ni Sarah.

Sa ilang taon ng aktres sa showbiz ay ito na ang pinka maiksing buhok niya. Kaya naman, kaagad na naging usap-usapan ito sa social media.

Para sa mga Popsters, sobrang bumagay sa kanilang idolo ang bago niyang hairstyle.

Dahil anila, lalong umaliwalas ang itsura nito at bakas sa kanyang mukha na maligayang-maligaya siya sa piling ni Matteo.

Ngunit may ilan din na nagsabi na hindi daw bumagay ang maiksing buhok kay Sarah at nagmukhang matanda daw ito.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Yes she looks like a korean popstar for a change she tried the short hair don’t care “

“They say Short hair makes you look young, but with her sporting short hair she looks matured”

“Bad decision with the shape of her Face doesnt look pretty at all .. sayang yung hair mas bagay long hair”

“Long hair or short hair… Makes perfect for her… Nice taste.”

“Bagay na bagay sa kanya gandang hindi nakakasawa”

Ikaw sa tingin mo? Bagay nga ba kay Sarah ang kanyang new hairdo?

Isang babae arestado matapos magtangkang takbuhan ang tindahan kung saan siya nagpa-cash in ng pera

Ate Gay pinasalamatan si Vice Ganda sa pagtulong nito sa kanya sa likod ng alitan nila noon