in

Bagong litrato ng rumored couple na sina Julia Montes at Coco Martin kinakiligan ng maraming netizens

Patuloy sa pagbibigay kilig sa kanilang mga fans ang rumored couple na sina Julia Montes at Coco Martin.

Kamakailan nga ay sinimulan na nila Coco at Julia ang taping ng kanilang movie comeback sa Pola, Oriental Mindoro.

Sa Instagram page ng fan account na cocojulbukayo ay sunod-sunod ang pagbabahagi ng fans ng mga behind the scene sa shooting na talaga namang kinakiligan ng mga tagahanga.

Sa Instagram ng kanilang fan account ay ilang litrato na kuha sa set ng kanilang pelikula ang ibinahagi.

Kung saan makikitang napaka-sweet talaga nina Coco at Julia sa isa’t-isa.

May kuha na kumakain sila sa isang restaurant at may bulungan pang naganap.

Kaya naman saad ng fanpage sa kanilang caption, “Pabulong din po Coco & Julia @ Victoria Nature Park”

May kuha din na binansagan pa ang dalawa na “rooftop lovers” dahil nasa rooftop na magkatabing nakaupo ang dalawa.

Needless to say, halos mahim’atay sa tuwa ang CocoJuls fans. Na kahit magkatabi lang ang kanilang idolo at wala namang PDA (public display of affection) na nagaganap ay sapat na ‘yun para kiligin na sila nang bonggang bongga.

Samantala sa nasabing pelikula, gagampanan ni Coco ang isang pulis at base sa kasuotan ni Julia ay isa siyang maestro o guro sa kuwento.

At talagang nagbubunyi ang CocoJuls supporters at sobrang excited na sila sa movie comeback ng kanilang mga idolo.

Ikaw isa ka rin ba sa mga excited sa pagbabalik tambalan nina Coco at Julia?

Bea Alonzo at Dominic Roque magkasamang dumalo sa baby shower ni Beth Tamayo sa US

KC Concepcion at Apl.de.ap namataang nag-date sa isang restaurant sa Los Angeles kung saan naroon din si Piolo Pascual