in

“Bagong Laruan” Ni Ion Perez, Excited Na Pinakita Sa Madlang People!

May bagong “laruan” o libangan si Ion Perez na sobrang galak niyang ibinahagi sa mga fans.

Dahil sa pandemy4, kahit ang mga artista ay na sa bahay na lang at naghahanap ng bagay na mapagtutuunan nila ng pansin.

Tulad na lang ni Kuya Escort Ion Perez na may bagong kahihiligan ngayon.

Sa vlog na kanyang ibinahagi sa sariling YouTube channel, excited na kinuwento ni Kuya Escort ang kanyang bagong laruan.

Ayon kay Ion, noong una ay pampalipas oras niya lang na manood sa YouTube ng mga videos. Hanggang sa makawilihan ito at naisipang sumubok ng bagong adventures.

Sa una, hindi pa binabanggit ni Ion kung ano talaga ang binili niya pero nag tanong siya kung saan daw may magandang trail.

Matagal na nag hintay si Ion sa labas ng bahay at kinuha pa ang helmet at gloves sa kanilang garahe.

Matapos ang matagal niyang pag hihintay, sa wakas dumating na ang kanyang motocross bike na kulay berde.

Sobra ang galak at tuwa ni Ion at napapalakpak pa. Agad naman sinubukan ni Kuya Escort ang kanyang off road motocross bike.

Halatang super excited na siya subukan ito sa trails pero kailangan niyo muna mag hintay kung pwede na ulit.

Pinasalamatan ni Ion si Tom Doromal na personal na hinatid ang kanyang bagong motor.

Habang ang van naman ni Ion ay pina customize niya para maipasok ang off road bike.

Ayon sa website ng Top Gear Philippines, ang Kawasaki KLX 140 2020 ay nagkakahalaga ng Php 140,000.

Excited na si Ion para sa magiging adventures niya kasama ang kanyang “bagong laruan.”

Ruffa Gutierrez Balik Eskuwela Matapos Ang 34 Na Taon!

Andrea Brillantes naiyak sa hiya dahil sa kinalabasan ng kanyang live gaming stream sa Facebook