in

Badjao Girl na si Rita Gaviola nanalo sa ‘S3xy Babe’ daily segment ng ‘It’s Showtime’

Official beauty queen na nga ang former PBB Housemate na si Badjao Girl Rita Gaviola!

Muling nagningning ang ganda ni “Badjao Girl”  matapos magwagi sa S3xy Babe segment ng “It’s Showtime” nitong Huwebes.

Ayon kay Rita napagdesisyunan niyang sumali sa nasabing competition upang ipakita ang kakayahan ng isang katutubong Pilipino.

“Gusto ko ipakita sa buong mundo ang kakayahan ng isang katutubong Badjao,” saad ng dalaga.

Pahayag pa nito nais umano niyang mahikayat ang mga kababaihan na katulad niyang Badjao na magkaroon ng kumpyansa sa kanilang sarili.

Aniya, “Gusto ko ipakita sa kanila hindi porke’t Badjao tayo, mamaliitin na lang tayo. Ipapagmalaki po namin yung tribo namin na hindi porke’t ganito ang tingin nila sa amin ay wala na kaming kaya.”

Ikinwento rin ni Rita kung paano madalas minamaliit ng publiko ang mga Badjao. Dahil sa nakikita umano ng karamihan na mahirap lamang ang kanilang katutubo.

“Parang nahihiya sila, nai-insecure sila sa sarili nila, na, ‘Bakit ganito ako? Bakit ganito ang kulay ko?’ Kasi, di ba, nakatira kami sa tabing-dagat?

“Ang tingin nila sa amin, mahirap. Tapos, Badjao, yung skin namin hindi naaayon sa skin nila. Parang minamaliit nila yung pagiging Badjao namin.”

Matatandaan na noong nakaraang taon ay ipinahayag ni Rita ang kagustuhan niya sumali sa Miss Universe.

At ang pagsali sa S3xy Babe ng Showtime ay ang unang hakbang sa pagtupad ng kanyang mga pangarap.

Unang nakilala si Rita taong 2016 nang mag-viral na nanlilimos kasama ang kapatid sa kasagsagan ng Pahiyas Festival.

Nasundan naman ito ng pagkakapili sa kaniya upang pumasok sa Bahay ni Kuya sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” kung saan binansagan siyang “Badjao Girl ng Lucena.”

TikTok video ng Young actress na si Xyriel Manabat agaw atensyon ngayon sa social media

Trina Candaza may patama na naman ba kay Carlo Aquino? “Ibang babae pa iniisip niyan”