in

Baby nina Elisse Joson at McCoy de Leon luxury brand ang natanggap na regalo mula kay Mariel Padilla

Mamahaling regalo ang ibinigay ni Mariel Padilla sa anak nina Elisse Joson at McCoy de Leon na si Felize McKenzie.

Marami sa mga kapwa artista nina McCoy at Elisse ang natuwa ng isapubliko nila na may baby na sila.

Maituturing na ‘big revelation’ ang ginawang ‘yon ng mag-kasintahan noong Sunday. Sa ‘Pinoy Big Brother Kumunity’, ang season 10 ng reality TV show na ‘Pinoy Big Brother’ ng ABS-CBN.

At isa na nga sa mga celebrity na nagpakita ng kanyang kagalakan para sa dalawa ay si Mariel Padilla. Isa kasi siya sa magiging ninang ni baby Felize.

Sa Instagram post ni Elisse ibinahagi nito ang appreciation post niya para sa regalong ibinigay ni Mariel.

Isang mamahaling baby sandals ang gift ni Mariel para kay baby Felize, Kitang kita sa larawan at video na ipinost ni Elisse na tuwang tuwa ang kanilang baby girl.

Saad ni Elisse sa kanyang caption, “Wow!!! So many gifts from my ninang @marieltpadilla  thank you so much ninang, I love u po I can’t wait until I’m old enough to play with ate isabella and ate gabriella!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @babyfelize

Ayon pa kay Elisse ay excited na daw si baby Felize na suotin ang Fendi sandlas pero mas mukhang excited daw siya dito.

Coleen Garcia nagbigay babala sa mga netizens ukol sa mga manl0l0kong contractor

Alice Dixson ipinasilip na sa publiko ang itsura ng kanyang baby Aura