in

Babaeng nagpa-tattoo ng kilay, dismayado sa kinalabasan, tattoo artist hindi na ma-contact

Marami sa mga kababaihan ang nais na mas mapaganda ang kanilang itsura.

Kaya naman iba’t iba din ang kanilang paraan upang ma-achieve ang gusto nilang look.

May ilan na pinapaganda ang kanilang kilay dahil ito ang uso ngayon at sabi nga ‘kilay is life’. Marami din ang gumaganda kapag maayos at on-fleek ang kanilang kilay.

At isang babae nga ang napagdesisyunang magpa-tattoo ng kanyang kilay. Ngunit nadismaya siya sa naging resulta nito.

Makikita sa larawan na lubhang makapal ang pagkakaguhit ng kilay ng babae. Nagtiwala umano siya sa tattoo artist na mabibigyan siya ng magandang serbisyo at maayos na resulta ngunit naging kabaliktaran ito ng kanyang inaakala.

Marami din ang hindi nagagandahan sa kilay ng babae at may ilan pa na pinagtatawanan ito.

Napaka-kapal kasi ng naging resulta at dahil dito ay hindi na din niya magawang lumabas dahil sa kahihiyan.

Payo naman sa kanya ng tattoo artist ay pahiran lamang ng petroleum jelly ang kanyang kilay dahil kinalaunan ay ninipis din ito ngunit nanatiling makapal pa rin ang kanyang kilay.

Kaya naman hindi na niya napigilan na mag-rant sa Facebook at isiwalat ang kanyang pagkadismaya.

Noong una ay maayos pang nakikipag-usap ang tattoo artist ngunit kinalaunan ay binlock na siya nito sa social media.

Ayon pa sa babae, obligayson umano ng tattoo artist ang ginawa nito sa kanya kaya wala umano itong karapatan na takbuhan o taguan siya.

Maging ang mga netizens ay pinagtangkaan na siya na kailangan niyang ayusin ang kilay at humarap na sa babae.

Ngunit tila balewala ito sa tattoo artist at tuluyan na ngang hindi binigyang pansin ang kapalpakan na kanyang ginawa.

Maging aral sana ang pangyayaring ito, na maging kuntento sa kung ano mang meron tayo.

John Regala inalmahan ang mga pekeng balita ng pagkawala niya, nanawagan sa mga networks ng trabaho

Isang online seller na binansagang si “Madam Inutz” kinagigiliwan ngayon dahil sa strategy niya sa pagbebenta