in

Babaeng iniwan ng kanyang mapapangasawa, itinuloy pa din ang kaniyang bridal photoshoot

Nagsilbing inspirasyon sa iba na bumangon mula sa matinding heartbreak ang pinagdaanan ng viral bride.

Ito ay dahil tinuloy pa din niya ang bridal shoot kahit pa man siya ay hindi pinakasalan.

Ng kaniyang fiance na pitong taon niyang ka-relasyon.

Sa mga larawan ni Manna Samantha Luna o Sam, na kuha ng Athina de Ocampo Creative Studios, makikita ang kaniyang pagiging blooming habang suot ang wedding gown habang nasa loob at labas ng simbahan.

Pero walang groom na naghihintay kay Sam dahil kuha ang mga larawan dalawang taon matapos na makipaghiwalay ang kaniyang fiancé.

Pagbabahagi ni Sam,

“May gown na ako, so ‘yun. Then one day bigla na lang na ayaw na niya. Ang sinabi niya sa aking reason is hindi niya kayang ibigay ‘yung love na binibigay ko sa kaniya.”

Hindi naging madali para kay Sam ang pag-move on. Pero pumayag siya sa photoshoot para ma-inspire ang mga dumaan sa heartbreak upang bumangon.

Hindi na nag-uusap si Sam at ang kaniyang dating fiancé, na meron na ngayong ibang karelasyon.

Matapos ang kanilang hiwalayan, pinagtuunan na lamang ni Sam ng pansin ang kaniyang pangarap na maging isang doktor. Ngayon ay sinisimulan na niya ang kaniyang medical school.

Nagbigay din siya ng advice sa mga babaeng nakaranas din ng heartbreak tulad niya. Upang aniya ay madali rin silang makapag move on.

“First is to acknowledge na wala na. Then after that, i-accept mo na hindi na nga mangyayari talaga. Iiyak mo ‘yon, isigaw mo kung anong gusto mong gawin. Basta i-feel mo, mag-grieve ka about it,” sabi ni Sam.

“Siyempre kailangan may will ka, kailangan gusto mo rin talagang mag-move on,” dagdag pa niya.

Barbie Forteza umalma sa kumakalat na balita na hiwalay na diumano sila ni Jak Roberto

Kylie Padilla pina-alalahanan ng isang netizen tungkol sa kanyang indoor toxic plant