in

Babaeng bumihag sa puso ni Makisig Morales na si Nicole Joson kilalanin!

Baby no more! Ang dating child wonder na si Makisig Morales happily married na.

Si Makisig Morales ay unang nakilala matapos manalo sa little big star noon at gumanap bilang si Super Inggo.

Pinakasalan niya ang Filipino-Australian beauty queen na si Nicole Joson sa isang beach sa La Perouse, Sydney taong 2019.

Nakilala si Nicole dahil sa kanyang angking kagandahan at katalinuhan. Maging sa mga pegeant ay pinatutunayan ni Nicole ang kanyang kakayahan.

Si Nicole ay itinanghal na Miss Earth Australia Charity 2017 at New South Wales Finalist sa Miss World Australia 2017.

Madami ang nagulat sa pagpapakasal ng dalawa. Kaya, anu ano kaya ang mga qualities na nagustuhan ni Nicole kay Makisig?

Ito lang naman ang sinabi ni Nicole hinggil sa post nya sa kanyang Instagram: “He’s often overlooked, this man. You won’t find a microphone in his hand or a stage beneath his feet. He may not lead the Bible study or share profound insights into the Word. Instead, his hands do the work unnoticed, and he stands quietly in the background. He leads by serving. But, he lives profound.”

Unang ipinakilala ni Makisig ang kanyang Miss Earth Australia Charity 2017 Beauty Queen noong 2018 nang mag-guest sila sa ‘Magandang Buhay’. Ibinahagi naman ni Makisig ang simula ng love story nila ni Nicole. Ayon rito ay nag-migrate na ang pamilya ni Makisig sa Australia noong 2014.

Cristy Fermin binatikos si Jinkee Pacquiao sinabihang walang pakealam sa nagaganap sa mundo ngayon

Kapuso Aktres Na Si Lovi Poe, Makakasama Sa Isang Hollywood Film!