in

Ayon sa source ni Ogie Diaz, Andrea Brillantes sinugod diumano si Francine Diaz sa dressing room

Unti-unti ng naglalabasan ang mga kaganapan sa pagitan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

Sa latest showbiz update ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh. Ang isyu tungkol kina Andrea, Francine, at Seth Fedelin ang kanilang napagusapan.

Partikular na ang nangyari umano noong ABS-CBN Christmas special.

Ani Ogie, “Nakarating lamang po ito sa atin ano? Pwede po kaong di maniwala, ito po ay nakarating lamang so kayo na pong bahala mag-confirm”

Aniya nagkaroon ng conflict sina Andrea at Francine nang dahil kay Seth.

“Nung December 18 ata, Christmas Special ng ABS-CBN, eh parang nagkaroon pa ng di pagkakaunawaan itong si Blythe at Francine.

“Oo, dahil nakita niya na nagpa-picture itong si Seth, diba may SethDrea, na parang ginu-groom ng ABS-CBN na lumaking love team, wala pa yung FranSeth.

“Kasi nga si Kyle at Francine yung ine-establish. Eh ngayon ang nakarating sa amin, hiniritan ng glam team nitong si Francine si Seth na jumoin sa kanila sa picture taking. Tapos ayun nga, eh parang ikinagalit ito ni Blythe, ni Andrea. Kaya totoo ba ito? Nagkaroon ng suguran sa dressing room?” pagbabahagi ni Ogie.

Dagdag pa nito, “Sinugod daw nitong si Andrea itong si Francine, totoo ba yan? Parang ayaw yata ni Blythe na magkakaroon ng pagkakataon na makapagpa-picture yung dalawa kasi nga ang sabi sa akin ng mga taga-Blythe na source ko, eh iniingatan nga kasi ni Andrea yung love team nila ni Seth. Ayaw ni Andrea na maguluhan yung mga tao sa love team nila. Pero syempre diba, pag kaibigan mo naman yung tao? Kahit di mo ka-love team”

Well, totoo nga kaya na may suguran moment sa pagitan ng dalawang aktres?

 

Former PBB Housemate na si Karina Bautista proud sa kanyang sariling condo unit!

Acrobat video ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay nagpawindang sa maraming netizens