in

Ayon sa source ni Ogie Diaz, Diego Loyzaga at Barbie Imperial kumpirmadong hiwalay na nga!

Kinumpirma na ni Ogie Diaz ang napapabalitang hiwalayan ng magkasintahang Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Sa latest showbiz update vlog ni Ogie kasama si Mama Loi ay sina Diego at Barbie ang kanilang topic.

Napag-usapan nila ang kontrobersyal na pagbabakasyon ni Diego ng mag-isa sa America. At pati na din ang naging sagot ng aktor sa katanungan kung bakit hindi niya kasama si Barbie.

Paliwanag doon ni Diego, “I don’t think Barbie has a blue passport.”

Kaya naman napaisip si Ogie kung bakit may ‘I think’ pa daw ang sagot ng aktor.

“Bakit may mga ‘I think’, di sila nag-usap?” saad ni Ogie

Komento naman ni Mama Loi: “Diba dapat mas diretso na salita na, ‘She would like to come’ or ‘I invited her to come with me kaso she doesn’t have a visa.’ Diba dapat ganun? Bakit ‘I think she doesn’t have a passport’, ‘I think she doesn’t have a visa.’ Bakit di mo alam?”

Makatapos nito ay ibinunyag na nga ni Ogie na hiwalay na nga daw talaga sina Diego at Barbie. Ito ay ayon umano sa kanyang reliable source.

“Ito lang po yung nasagap natin ano, na yung dalawa raw eh wala na. Totoo ba? Ito ay tinatanong ko ah. Kasi meron lang pong nagparating sa akin na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, ang kanilang relasyon, kung san na napunta… Ang sabi lang sakin ah, waley na raw,” saad nito.

Dagdag pa ni Ogie, “Ang nabalitaan natin ano, nag-away daw itong si Barbie at si Diego. Tapos ang sabi, mamili lang daw si Diego. Itutuloy pa ba natin ‘to or hiwalay na? Eh parang nanalo ata yung hiwalay na. Yun po yung nakarating sa akin.”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang vlog:

Kris Aquino kinondena at pinabulaanan ang mga maling balita na lumalabas tungkol sa kanya

Caretaker ng lupain na sumasakop sa puno ng mangga na pinitasan ni Lolo Narding, nagsalita na!