in

Ayon sa source ni Ogie Diaz, Andrea Brillantes at Francine Diaz nagpaplastikan lang daw

Nagpaplastikan lang diumano ang mga Kapamilya actress na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz ayon sa source ni Ogie Diaz.

Ang mga batang aktres ang muling naging topic sa Showbiz Update vlog ni Ogie kasama si Mama Loi.

Matatandaan na naging usap-usapan ang debut party kamakailan ni Francine. Napansin kasi ng mga netizens na wala sa celebration ang co-Gold Squad members niyang sina Andrea, Seth at Kyle.

Ayon kay Ogie imbitado naman daw ang mga ito ngunit sadyang hindi lang nakadalo.

 

Nasa Baguio daw kasi ang tatlo at nagshu-shooting ng kanilang proyekto.

“Nagkaayos na ba ‘tong si Francine at si Andrea?” biglang naisipang itanong ni Mama Loi. “Nag-away ba? Sana hindi,” sagot naman dito ni Ogie.

Hanggang sa ibinahagi ni Ogie na ayon sa kanyang source ay hindi naman daw talaga close sina Andrea at Francine.

Civil lang daw ang mga ito o pakitang tao lang sa harap ng kamara. Dahil sa mga roles na ginagampanan nila.

“May nagsasabi lang naman sa akin ano, kung panong meron rin isang source na nagtatanggol sa friendship nung dalawa. Yung isa naman, eh talaga raw totoong nagpa-plastikan lang yung dalawa habang yung isa ang kwento sa akin, ‘Alam mo naman ang mga bata Og, di mo maalis sa kanila yan. Lalo na may FranSeth, meron ding SethDrea. Yung mga fans mismo nag-aaway away,” saad ni Ogie.

Binalikan din ni Ogie ang sinabi sa kanya noon ng kanyang source na mas mabait daw si Francine kung ikukumpara kay Andrea.

Aniya, “Pero may nagsabi din naman sa akin, mabait daw si Andrea pero mas mabait si Francine. Sorry ah, yun yung sabi ng source ko na malapit dun sa dalawa. Kasi ako, wala akong masasabi sa kanila, kung mabait ba yung isa, masungit ba yung isa kasi di ko pa sila nakakatrabaho.”

Paul Salas at Mikee Quintos spotted na magkasama sa isang bakasyon, may relasyon na nga ba?

Donita Nose inilahad ang tunay na dahilan ng pagkasira ng samahan nila ni Super Tekla