in

Ayon sa reliable source ni Jun Lalin, Ravyer Cruz at Janine Gutierrez hiwalay na

Kinumpirma ng batikang kolumnista na si Jun Lalin ang hiwalayan diumano nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

Sa artikulo na isinulat ni Jun Lalin ngayong araw sa NewsKo. Ibinahagi nito na tinawagan daw siya ng kanyang reliable source.

Upang ikwento nga ang hiwalayan nina Janine at Rayver.

“Ang alam ko, isang buwan nang hiwalay sina Janine at Rayver,” saad umano ng source ni Jun Lalin.

Wala rin daw 3rd party na naganap sa hiwalayan ng dalawa kaya hindi pwedeng pagbintangan ang kanilang mga naging kaloveteam na sina Paulo Avelino at Julie Anne San Jose.

Matatandaan na sobrang close ngayon nina Janine at Paulo dahil sa romantic-comedy series na ‘Marry Me, Marry You’.

Panay din ang kulitan ng dalawa sa kani-kanilang social media accounts.

Ayon pa sa source ni Lalin, kulang raw sa time ang naging dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

“Ang alam ko, kulang sa oras para sa isa’t isa sina Janine at Rayver. Kaya ang kuwento rin sa akin, mutual ‘yung decision nila na maghiwalay na lang.

“Eh, ngayon kasi, dahil sa C0VID19 pandemic, lock-in ang mga project sa showbiz, kaya halos hindi na nagkikita sina Janine at Rayver.

“So, nauwi na sa hiwalayan ‘yung relasyon nila,” pagbabahaging kwento pa ng kolumnista.

Saad pa ni Jun Lalin ay baka gimik lamang daw ito ng dalawa.

Pero kung ganun nga na pakulo lamang ang hiwalayan isyu ay hindi daw ito magandang tignan.

Natanong na din umano niya si Janine ukol dito pero hindi pa ito sumasagot sa kanya. Dahil kakauwi lamang ng aktres mua New York.

At nakaquarantine pa ito sa isang hotel ngayon.

Matapos ang hit series na ‘Legal Wives’ Dennis Trillo usap-usapang babalik na sa ABS-CBN

Dahil sa pagkalat ng itsura ng costume, Darna TV series pinangangambahang baka matulad sa Dyesebel