in

Ayon kay Ogie Diaz, Diego Loyzaga nasakaI kaya hiniwalayan si Barbie Imperial

NasakaI diumano si Diego Loyzaga dahil sa pagiging mahigpit ni Barbie Imperial na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Sa latest episode ng Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz, natalakay nila ang tungkol sa hiwalayan nina Barbie at Diego.

Ayon umano sa source ni Ogie, medyo nakakasakaI na daw si Barbie. Dumating pa daw sa puntong tinanong ito ng ina ni Diego na si Teresa Loyzaga kung wala daw ba itong ibang ginagawa.

“Kasi medyo nakakasakaI din daw itong si Barbie Imperial, sabi sakin ng source ko,” saad ni Ogie.

“Na nung si Diego raw ay naririto pa, wala pa sa U.S. Eh talaga raw laging nasa bahay ni Diego si Barbie. Binabantayan si Diego,” dagdag pa nito.

Pagpapatuloy pa ng talent manager, “Eh one time daw itong si Teresa Loyzaga, eh sinabi, ‘Hija wala ka bang ibang mga gagawin?’ Parang ganun. Baka meron ka pang ibang trabaho, o ano. So parang in short, gusto na siyang pauwiin”

“Kasi nga dun nga nakababad sa bahay nila. Eh siguro ganun siguro magmahal si Barbie no, pag nagmahal siya, all mine to give.”

Panoorin dito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie:

Samantala, kamakailan lang din ay kinumpirma na ni Barbie ang hiwalayan nila ni Diego.

Ngunit hindi siya nagbahagi ng detalye o kung ano man ang dahilan kaya natapos na ang kanilang relasyon.

Sa gitna ng isyung hiwalayan nila ni Tom Rodriguez, Carla Abellana nagpa-tattoo!

Pastor Apollo Quiboloy tinawag ang kanyang sarili na ‘modern-day Joseph’