in

Ayon kay Lolit Solis, LJ Reyes swerte dahil pang New York ang eksena, Yen Santos pang Baguio lang

Nagbigay muli ng kanyang komento si Lolit Solis tungkol sa issue nina LJ Reyes, Paolo Contis at Yen Santos.

Sa kanyang latest Instagram post, ibinahagi ni Lolit na hindi siya sigurado kung gusto ni Yen ang sitwasyon niya ngayon.

Lalo na’t alam umano ng aktres ang kalagayan ngayon ni Paolo Contis.

Ani Lolit, “Ewan ko kung gusto din ni Yen Santos ng ganitong kaguluhan sa buhay niya kaya kahit pa nga alam na niya ang kalagayan ni Paolo eh Ok lang sa kanya na magamit as ‘friend’

Ibinahagi din ng batikang kolumnista ang kanyang saloobin tungkol sa mga isyung nagaganap kina LJ, Paolo, at Yen.

“Hay naku, never ending serye talaga ang istoryang ito,” saad ni Manay Lolit.

Hanggang sa sinabi nitong swerte umano si LJ dahil pang New York ang eksena ng Kapuso actress. Habang si Yen naman ay hanggang sa Baguio lang ang rampa.

“…At least rumarampa na sa New York si LJReyes. At suwerte siya, New York ang eksena niya, pang Baguio lang si Yen Santos. Habang naka lock in naman si Paolo Contis. Tatlong lugar sila ha, iba ibang eksena, magastos sa production,” pagbabahagi pa ng manager ni Paolo.

Matatandaan na kamakailan lamang ay nagbigay na ng kanyang pahayag si Paolo ukol sa kinasasangkutang intriga.

Based sa comments sa sorry post ni Paolo, marami pa rin ang galit sa kanya at hindi naniniwala sa mga paliwanag niya. Lalo na ‘yung sinabing one day lang silang magkasama ni Yen sa Baguio City.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Korina Sanchez isa-isang sinagot ang mga komento ng netizen sa ibinahagi niyang litrato ni Manny Pacquiao

Arlene Muhlach dinepensahan si Angel Locsin laban sa pahayag ni Mon Cualoping sa aktres