in

Ayon kay Lolit Solis, hindi afford ni Paolo Contis pumuntang New York para suyuin si LJ Reyes

Muli nanamang nagbigay ng kanyang prangkang pahayag si Lolit Solis laban sa alaga niyang si Paolo Contis.

Sa September 21, episode ng digital talkshow na Take It Per Minute, tumiradang muli si Manay Lolit. Patungkol sa laga niyang si Paolo Contis.

Naging topic nanaman ng show nina Lolit, Cristy Fermin at Mr. Fu si Paolo. At ang naging hiwalayan nila ni LJ Reyes.

Ayon kay Manay Lolit ay  nagba-bible study daw ngayon si Paolo. Saad naman ni Mr. Fu narinig umano niyang nais ng makipag-ayos ng aktor kay LJ.

“Pero gusto na raw niyang makipag-ayos kay LJ,” turan ni Mr. Fu. Banggit naman ni Manay Lolit, “Hindi naman ganun.”

“Ibig lang sabihin, kahit naman sinong tao kapag malalim ang problema, gusto nating maayos. Pero hindi yung sasadyain niya sa New York si LJ,” paliwanag naman ni Cristy.

“Naku, wala siyang pamasahe noh, Tumigil siya,” diretsahang hirit naman ni Lolit.

Dagdag pa nga nito kailangan daw mangutang ni Paolo para makita niya si LJ at anak nilang si Summer. Na ngayon ay namamalagi na sa New York.

Kaya naman naitanong ni Cristy kung wala daw bang pera si Paolo at hindi nito afford ang makapunta sa New York.

Ayon kay Lolit meron pero hindi daw sasapat para makabyahe sa ibang bansa ng ganun ganun na lang.

Naging laman ng iba’t-ibang balita ang umano’y hiwalayan nina Paolo at LJ matapos mapansin ng mga netizens na burahin ng dalawa ang iba’t-ibang larawan nila sa kani-kanilang social media accounts.

Hanggang sa kinumpirma na nga ni LJ ang kanilang hiwalayan sa panayam niya kay Boy Abunda. Kasunod nito ay naglabas na din si Paolo ng kanyang pahayag ukol dito.

Narito ang kabuuan ng episode ng Take It Per Minute:

Rita Gaviola o mas kilalang Badjao Girl, nagpahiwatig sa planong pagsali sa Miss Universe

Jaya naging emosyonal sa unang araw sa pampublikong eskwelahan sa Amerika ng kanyang mga anak