in

Ayon kay Cristy Fermin, John Lloyd Cruz hindi na tuloy sa GMA, hindi nagkasundo sa TF

Paglipat ni John Lloyd Cruz sa Kapuso Network naantala umano dahil sa hindi napagkasunduang talent fee.

Ito ang kinumpirma ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin sa kanyang radio program na “Cristy Ferminute.” Kasama si Rommel Chika sa Radyo Singko 92.3 News FM.

Panimula ni Cristy sa kanyang programa, “E, kumusta naman si John Lloyd Cruz ngayon?”

Sagot ni Rommel, hindi niya alam kung anong nangyari dahil naging mainit na usapin ang first live telecast ni John Lloyd noon sa GMA.

Inakala pa ng lahat na magdedere-deretso ng makikita si John Lloyd sa Kapuso. Dahil na rin sa napabalitang ipo-produce na sitcom ni Willie Revillame.

“Sayang, sayang na pagbabalik!  Ang init-init dahil totoo namang magaling siyang aktor. At ang tao kapag may bitbit na talento kapag nawala sa kanyang pagbabalik ay dalawang kamay pa po siyang tinatanggap ng publiko,” pahayag ni Cristy.

At doon ay ibinunyag din ng manunulat na dahil umano sa hindi napagkasunduang talent fee. Kaya naudlot ang TV comeback ng A-list actor.

“Bakit may kuwento kay John Lloyd na hindi nila pinagkasunduan ng GMA 7, e, TF o talent fee? Sayang naman ito,” saad pa ni Cristy.

“Nasayang naman ang kanyang pagbabalik na inaabangan pa naman ng buong bayan. Dahil John Lloyd Cruz nga siya,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Rommel Chika baka balik-Kapamilya ang aktor, “Puwede dahil doon naman siya talaga galing, di ba? Umingay lang ang pangalan ulit ni John Lloyd dahil kay Derek (Ramsay) at Ellen Adarna dahil nga may anak sila ni Ellen.

Nabanggit naman ni Cristy na wala talagang kasiguraduhan ang mga artista. At ang salitang walang forever ay bagay na bagay sa kanila.

LJ Reyes ibinahagi ang kanyang intense workout kasama ang anak na si Summer

Kapamilya actor na si Enzo Pineda graduate na ngayon bilang isang Navy reservist