in

Ayon kay Cristy Fermin, Direk Bobet Vidanes nilait ang mga dating kasamahan na sina Vice Ganda at Vhong Navarro

Diretsahang ipinahayag ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin ang panglalait ni Direk Bobet Vidanes. Sa mga kasamahan nito dati sa It’s Showtime na sina Vhong Navarro at Vice Ganda.

Sa October 18 episode ng digital talk show niyang “Cristy Ferminute”. Ibinahagi ng kolumnista na may natanggap siyang text message. Sa hindi na niya pinangalanang source.

Kalakip umano ng nasabing text message ay ang mga hindi magagandang salita na binitiwan ni Direk Bobet.

Saad ni Cristy, Ito po, itinataya ko po ang pangalan ko dito. Kasi sa akin po nag-text ‘yung mga taong dati niyang kasama. At ito po ay paninindigan ng mga dati niyang kasamahan at paninindigan ko rin po ang sinulat ko ngayon sa PSN (Pilipino Star Ngayon).”

Binasa na din niya ang nasabing text message.

Nakasaad umano doon, “Merong text sa akin na ganito ang sinasabi, ‘Nay, sinungaling si Bobet. Lagi niyang sinasabi, ‘Ang b0b0 ni Vhong Navarro’. Si Vice naman, ‘Basura talaga ang ugali ng bakla’. Naririnig ‘yun ng mga cameramen sa headset. ‘Wag siyang magsinungaling’.”

“’Yung mga sinasabi niya, siyempre nadidinig ng mga cameramen at saka nung floor director. Hindi lang siya nakakadinig nu’n.”

Pagpapatuloy pa nito, “Hindi siya pupwedeng magsinungaling kasi ‘yung mga sinasabi niya habang nasa booth siya, nadidinig. Naka-headset ang mga floor director at cameramen.” 

Sinabi din ni ni Cristy na hindi lamang sina Vice at Vhong ang sinabihan nito ng foul words kundi pati na din ang mga dancer.

Lagi daw umanong sinasabi ni Direk Bobet, “Ang b0b0b0 talaga ang mga babaeng ‘to. Magaling lang magsayaw”. 

Panoorin dito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy Fermin:

Jericho Rosales ibinahagi ang matagumpay na pagpapatayo ng 20houses para sa mga nawalan ng tirahan noon dahil kay Ulysses

Dating aktres na si Donita Rose, isa na ngayong chef ng supermarket chain sa Amerika