in

Awra Briguela nagsalita na! Inamin na ikinalungkot niya ang pagkawala niya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Inamin ni Awra Briguela na labis siyang nasaktan noong mga panahon na nawala siya sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Unang nakilala si Awra dahil sa kaniyang mga viral na videos na tampok ang “awra” pose.

Kinakitaan kasi agad ng galing sa pag-arte si Awra sa viral video niyang iyon noong siya ay bata pa lamang.

Ang nasabing video ay katuwaan lamang nilang magkakaibigan pero agad na pumatok ito sa masa.

At ito ang naging ugat upang makapasok siya sa mundo ng showbiz.

Napabilang siya sa long-running series ng ABS-CBN na “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang si “Makmak” na naging dahilan upang manalo siya ng Best Child Performer award sa PMPC Star Awards for Television at 3rd Aral-Parangal Awards.

Nakasama rin ito sa blockbuster na pelikulang “Super Parental Guardians” na pinagbidahan ni Vice Ganda at Coco Martin noong 2016.

Tinanghal din siyang kampeon ng “Your Face Sounds Familiar: Kids” noong 2017.

Samantala, sa mahabang panahon na lumipas ay nanatiling tahimik si Awra sa kanyang naramdaman noong mawala siya sa Ang Probinsyano.

At sa latest vlog ng aktres na si Aiko Melendez niya kauna-unahang ibinigay ang reaksyon niya ukol dito.

Isa kasi sa natanong ni Aiko sa kanya ang tungkol sa pag-alis niya sa Ang Probinsyano noong 2019.

Dito ay inamin ni Awra na labis siyang nasaktan ng mga panahon na iyon.

Lalo na, na ang last day ng taping niya noon ay eksatong tumapat naman sa kanyang kaarawan.

Naging emosyonal umano siya dahil kailangan niyang humiga sa kaba0ng sa araw ng birthday niya.

Tatlong taon nakasama sa casting si Awra, first day of taping at last day of taping ay parehong araw din ng kanyang birhday.

Labis din daw siyang nalungkot dahil nasanay na siyang kasama ang lahat ng cast ng teleserye.

Narito ang kanilang video:

Bea Alonzo at Dominic Roque buking na! lantaran na nga ba ang pag-iibigan

Jessy Mendiola pinatunayan na totoo ang kanyang dibdib, sinabing nabibigatan na sa kanyang hinaharap