in

Ate Gay pinasalamatan si Vice Ganda sa pagtulong nito sa kanya sa likod ng alitan nila noon

Malaki ang pasasalamat ng komedyante na si Ate Gay sa mga kaibigan nito sa showbiz.

Ito ay nang siya ay magkasakit at kinailangan ng tulong pinansyal.

Matatandaan nang mga nakaraang buwan ay pabalik balik ng ospital si Ate Gay o Gil Morales sa totoong buhay.

At ang mga kaibigan niya sa industriya ng showbiz ang tumulong sa kanya upang matustusan ang kanyang pangangailangan.

Lalong lalo na sa pamabayad ng ospital kung saan siya naconfiine noong Marso hanggang Abril.

Kaya naman sa latest vlog ni Ogie Diaz ay isa-isang pinasalamatan ni Ate Gay ang mga tumulong sa kanya.

“Naramdaman ko mga kaibigan ko sa showbiz, sa larangan ng ano performance,” saad ng komedyante.

Si Ogie ang isa sa pinasalamatan agad ni Ate Gay dahil isa ito sa mga kusang nagbigay ng tulong sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gil (@ategay08)

Malaki rin ang passalamat ni Ate Gay kay Vice Ganda na aniya hindi nagdalawang isip na tulungan siya.

Kahit pa umano’y may naging alitan sila noon.

Nagpapasalamat ako dahil nakarating sa kanya na nasa ospital ako at walang kaabog-abog na tutulong daw siya.

“Tumulong naman siya at ayun, nagpapasalamat ako. Sa kabila ng mga nangyari sa akin sa Showtime, naramdaman ko yung puso niya, sa puso ng mga kaibigan mo sa showbiz.

Kung maalala ay sinabi ni Ate Gay na hindi nito nagustuhan ang mga komento ni Vice nang sabihin nito na natanggal siya sa Celebrity Edition ng isang singing contest dahil sa kaniyang Facebook rants.

Sa ngayon ay hindi pa daw sila nagkikita ng personal muli ni Vice.

Kaya naman sa pamamagitan ng vlog ni Ogie ay taos puso niyang pinasalamatan ang Unkabogable star.

Narito ang kanilang video:

Bagong pixie haircut ni Sarah Geronimo trending ngayon sa social media, mga netizens kinagiliwan ang kanyang kagandahan

Andrea Brillantes binigyan ng surprise birthday party ng ilang malalapit na kaibigan