in

Arjo Atayde ‘the one’ na daw si Maine Mendoza, ibinahaging napag-uusapan na nila ang kasal

Mukhang sa kasalan na ang punta ng relasyon nila Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Aminado si Arjo na napag-uusapan na nila ng nobyang si Maine Mendoza ang tungkol sa pagpapakasal.

Ito ang kanyang ibinahagi sa panayam sa kanya ni Julius Babao sa vlog nito kamakailan. Ikinuwento ng award-winning actor na nasa edad na siya upang lumagay sa tahimik lalo pa’t hindi naman na sila bumabatang dalawa.

“Obviously, I’m not naman wasting time. At the same time, sobrang mahal ko po yung tao, very sincere yung tao,” ani Arjo.

“And if that’s the question, my answer to that id yes, ofcourse, nagpag-uusapan yan,” saad ng aktor.

“I’m at the right age, were not getting any younger and we’re both very happy, hopefully until we get old. So ito na po ‘yun,” dagdag pa nito.

Sa ngayon ay 30 years old na ang aktor at 26 naman si Maine.

Nang tanungin kung masasabi niyang si Mendoza na ang “the one”, mabilis na sumang-ayon si Atayde.

“It’s very hard to explain how a person could be unique the way you see them. To me, she’s very loving person. Mabuti ang puso niya and that’s also hard to find. Sincerity, loyal na tao.” pagbabahagi pa ng aktor.

Ayon sa kaniya, natutuwa siya matinding pagmamahal na naibibigay ng aktres at host sa kaniya na bukod sa pagiging partner ay naging best friend na rin niya.

“Grabe magmahal, grabe talaga. Iba po, e. I’m overwhelmed with the way she… I love her and she loves me back.”

Nakita raw ni Arjo na mabuti ang puso, sincere, at loyal ang nobya.

Dagdag niya, “I think I found a best friend, a partner. Walang hindrance being myself.”

Narito ang kabuuan ng kanyang interview:

Gigi de Lana bagong ka-love team ni Gerald Anderson para sa isang international project

Ivana Alawi aminadong may communication sila ng kanyang crush na si Joshua Garcia