in

Arci Muñoz papasukin na rin ang pulitika, tatakbong konsehal sa Cainta Rizal sa darating na eleksyon

Sasabak na din sa larangan ng pulitika ang aktres na si Arci Muñoz sa darating na halalan.

Matapos ang ilang taong pagpapamalas ng kanyang talento sa telebisyon, papasukin naman ni Arci Muñoz ang mundo ng pulitika.

Ayon sa ilang ulat, sumali si Arci sa partido ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) nitong Huwebes, Setyembre 30. Tatakbo umano bilang konsehal ng Cainta, Rizal ang aktres.

Kaya naman, pasok siya sa slate ng tatakbong mayor ng nasabing bayan na si dating PBA star Alvin Patrimonio.

“I thank House Majority Leader Martin and the Lakas-CMD for giving us home in the coming election Rest assured that we are going to carry the mission of the party, which is to serve our people,” wika ni Patrimonio

Maliban sa pagiging aktres, nagsisilbi din si Arci sa Philippine Air Force bilang isang reservist na may ranggo na sergeant.

Bumida si Arci sa iba’t-ibang proyekto ng ABS-CBN gaya ng Pasion de Amor, Magpahanggang Wakas, Ikaw Lang Ang Iibigin, Pamilya Ko, at Walang Hanggang Paalam.

Taong 2015 nang lumipat si Arci sa Kapamilya network. Siya ay bahagi ng Star Magic.

Samantala, maraming artista pa ang tatakbo sa ilalim ng Lakas-CMD gaya nina Claudine Barretto. Nash Aguas, Ejay Falcon, Javi Benitez, Angelu de Leon, at Bobby Andrews.

Sa partidong LAKAS-CMD din tatakbo si Alma Moreno bilang konsehal ng Parañaque City.

“We consider these dedicated public servants as assets of Lakas-CMD. Their decision to join the party is not just a proof of their confidence in us but also of the party’s clean and efficient record of public service,” saad naman ni House Majority Leader Martin Romualdez.

Andrea Torres bilib sa pagiging strong woman ni Kylie Padilla, sinabing hindi na nito kailangan ng advice

Pokwang nais pa sanang masundan ang anak na si Malia ngunit ayon sa aktres, “Wala na pong laman ang balon.”