in

Ara Mina ilang araw ng natatakam sa manggang hilaw at bagoong, naglilihi na nga ba?

Mukhang nagpapahiwatig na ng paglilihi ang aktres at bagong kasal na si Ara Mina.

Kamakailan lamang sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Ara Mina ang pagke-crave niya. Sa manggang hilaw at bagoong.

Nagpost ang aktres sa kanyang IG stories ng litrato ng mangga at naka-tag pa ang kanyang mister na si Dave Almarinez.

Saad ng aktres sa kanyang photo caption, “Ilang araw na ko nag-crave ng hilaw na mangga at bagoong. @davealmarinez.” 

Kaya naman hinuha agad ng marami ay baka naglilihi na nga daw si Ara. Dahil kadalasan na manggang hilaw talaga ang pinaglilihihan ng mga babaeng buntis.

Matatandaaan na noong June 30 ng kasalukuyang taon ng ikinasal si Ara at Dave. Isang magarbong kasalan ang naganap sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio City.

Sa mga nakaraang Instagram post din ng aktres ay ibinahagi niya kung gaano siya kasaya sa kanyang married life.

Nagpapasalamat si Ara kay Dave dahil laging ang kanilang pamilya ang first priority nito. Saad nga ni Ara sa kanyang caption, “I’ll be home soon bebe. Thank you for granting my wish and making us your family your first priority always. I love you asawa ko”

Kalakip nito ay ang litrato nilang mag-asawa na kitang kita na masaya sila sa isa’t-isa.

Lagi din pinagmamalaki ni Ara ang pagmamahal na laging ipinaparamdam sa kanyang ng mister.

My life’s biggest security is not just in loving you, but in knowing that you will always be there to love me back no matter what. I miss you and I love you baby”

Bea Alonzo ipinasilip ang masayang pag-harvest niya sa kanyang farm sa Zambales

Jiro Manio ineenjoy na ang simpleng pamumuhay, aminadong hindi pa handa na bumalik sa pag-aartista